Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Vilma Santos, hindi nakikialam sa love life ng anak na si Luis

Inamin ng beteranang aktres at ngayo’y Batangas 6th District Representative Vilma Santos-Recto na hindi siya nakikialam sa love affairs ng kanyang anak na si Luis Manzano. Subalit lagi naman siyang naroron upang sumuporta rito.

“Alam niya kung saan siya masaya, alam niya ang tama, alam niya ang mali. I am just here to guide him. He is old enough, mature enough to handle his life,” lahad ni Ate Vi ukol sa isyung dine-date umano ni Luis ang aktres na si Jessy Mendiola.vilma-santos-and-jessy-mendiola

Nagpahayag din ng pagsuporta si Ate Vi sa kanyang anak matapos makatanggap ng pamba-bash si Luis nang aminin nitong nagde-date na sila ni Jessy Mendiola tatlong buwang matapos ang hiwalayan nila ni Angel Locsin. Sa ngayon ay smooth diumano ang takbo ng love life nito at sana ay tumahimik na rin ang ilang mga tagahanga na kontra sa kanilang relasyon.