Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

UK, magi-invest sa Pilipinas

Ang bumibisitang Lord Mayor of London na si Alderman David Wooton ay nagpahayag na tatlong British companies na may koneksiyon sa mass transport systems ay nagpakita ng interes na mamuhunan sa Pilipinas particular na sa ating major infrastructure projects tulad ng railway, airport at seaport sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Pinangalanan ang tatlong kumpanya na Balfour Beatty, Halcrow at SKM-Colin Buchanan na interesado  sumali sa Public-Private Partnership (PPP) na programa ng administrasyong Aquino. SInabi pa ni Wooton na ang Pilipinas bay makikinabang mula sa lumalaking ekonomiya sa Southeast Asia.  Dagdag pa niya na na ang pagpapanatili ng katatagan ng mga pinansyal na regulasyon at epektibong pamamahala ng mga pang-ekonomiya at pinansiyal na mga serbisyo ay mahalaga.