Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Tulfo at Santiago, pinag-aayos

Hanggang ngayon, ang nangyaring insidenteng rambol pa rin sa domestic airport sa pagitan nina Mon Tulfo at ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barreto-Santiago ang pinag-uusapan.  Minsan tuloy iniisip ng iba na masyado nang palasak ang balita. Nagkaroon na ng demandahan at pagbabanta sa magkabilang panig.

Ito ay nag-ugat sa isang insidente sa airport kung saan naroon si Mon Tulfo na nasaksihan kung paano sigawan diumano ni Claudine Barreto ang isang airline crew ng Cebu Pacific.  Nag-ugat din ang paninigaw ni Claudine sa crew nang ang kanilang mga bagahe ay naiwan at hindi nakasama sa flight na yaon.  At nakita ito ni Mon Tulfo at akmang kukuhanan ng video nang makita siya umano ng isa sa mga kasamahan ni Santiago at pilit na kinukuha ang cellphone ( kung saan ito ang ginamit ni Tulfo sa pagkuha ng video) subalit nang ayaw ibigay ay bigla daw siyang ( Tulfo) pinagsusuntok ni Raymart at sumama na rin sa rambol ang mga kasamahan nito at pati si Claudine na malaunan ay napag-alamang natadyakan daw ni Tulfo.

Masyado nang mahaba ang kuwento at nadagdagan na rin at pati ang mga karakter sa istorya ay nagdagdagan dahil sumali na rin ang mga kapatid ni Tulfo na nagbanta sa mag-asawang Santiago. Maski ang Pangulong Aquino ay nakisawsaw na rin sa isyu at sinabihan ang magkabilang kampo n asana ay magkapatawaran at kalimutan ang nangyari. “Sana umabot din tayo doon sa sitwasyon na hindi na kailangan ng karahasan, whoever started it. It takes two to tango. May dalawang participant, sana kaya nating pag-usapan lahat ng bagay sa mahinahon na pamamaraan,” paglalahad ni Pangulong Aquino sa kanyang interview sa isang radio station.