Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

Train Ride Deal using Seishun 18 Kippu

Ang maglakbay o bisitahin ang iba’t ibang lugar sa Japan ay napakamahal. Kaya naman madalas ay pinaghahandaan talaga ang ganitong travels. May iba’t ibang paraan din upang marating ang magagandang lugar sa Japan, via air or land. Ang pinakapopular ay via train ride.

Ang pag-biyahe naman via train ay may ibang uri rin. May regular train, may local train at ang shinkansen na pinakapaborito ng travelers.

Ang pagbiyahe sakay ng shinkansen ay aprub sa travelers pero huwag kakalimutan ang local trains na kailangang sakyan pagpunta sa lokal na destinasyon. Ang shinkansen, kumbaga ay para sa main road at ang local trains ay para sa lokal na destinasyon. May local trains na tumatakbo sa valleys, o sa ilalim ng dagat at maging locomotive trains na nagbubuga ng usok na dumaraan sa masusukal na daraanan.

Ang Japan Railways (JR) ay naglabas ng seasonal ticket para i-allow ang mga biyahero na makabiyahe ng unlimited sa halagang 2,370 yen per day sa loob ng 5 days. Magagamit ang ticket sa local at rapid JR trains (maliban sa reserved seats). Ang isang tao ay mae-enjoy ang Seishun 18 o pwedeng gamitin hanggang limang katao. Kasama sa unlimited rides ay ang Miyajima Ferry na ginagamit papuntang mainland ng island ng Itsukushima (na mas kilala sa Miyajima).

Limitado ang offer na ito ng JR trains kaya dapat tandaan ang date ng pagbebenta at validity nito. Ang Seishun 18 ay mas mainam upang ma-enjoy ang paglalakbay sa murang halaga.

Price: 11,850 yen

Instagram from @hokky_japanese_traveler

Spring
Summer
Winter
Spring

Validity periods: Friday, March 1 to Wednesday, April 10, 2019

Sales dates: Wednesday, February 20 to Sunday, March 31, 2019

Summer

Validity periods:Saturday, July 20 to Tuesday, September 10, 2019

Sales dates: Monday, July 1 to Saturday, August 31, 2019

Winter

Validity periods: Tuesday, December 10, 2019 to Friday, January 10, 2020

Sales dates: Sunday, December 1 to Tuesday, December 31, 2019

Terms of Use​

Limang araw sa loob ng validity period ng travel ay pwedeng gamitin ang Seishun 18. Pwedeng mag-share ang dalawa hanggang limang tao. Bawat araw kapag isang tao lamang ang gumamit ng Seishun 18 ay considered as 1day na yun kaya para mas matipid ay isama ang hanggang limang katao sa iyong pamilya o kaibigan. Ang period na one day na tinatawag ay nagsisimula at nagtatapos ng 11:59 p.m. ng gabing yun. Kung bibiyahe ng 11:59 p.m., at the end of the day, ang validity period ng ticket mo ay extended hanggang sa susunod na stop ng train. Ipakita sa staff ang ticket kapag nasa train na at ito ay lalagyan nila ng stamp. Hindi ito pwedeng gamitin sa automatic ticket gate machines.


Valid Train Routes

Unlimited man ang rides sa Seishun 18 na may designated open seating zone at hindi kasama dito ang reserved seats. Narito ang mga transportation services kung saan valid ang Seishun 18:

  • Lahat ng JR company lines (kasama dito ang Bus Rapid Transit) sa buong Japan (JR Hokkaido, JR East, JR Central, JR West, JR Shikoku at JR Kyushu)
  • Ang JR West Miyajima Ferry ay kasama rin. Kahit i-combine ang Super (Limited) Express Seat o ibang ticket, hindi pwedeng gamitin ang Seishun 18 sa Shinkansen, limited express trains, express trains o sleeper cars.

Note: Hindi valid ang Seishun 18 sa JR buses.

Eligibility

Kahit ang pangalan ay Seishun 18 Kippu, ito ay maaaring gamitin ng kahit anong edad. Available din sa turista, Japanese nationals at foreign residents.


Where is it sold?

Ang Seishun 18 Kippu ay mabibili sa JR ticket offices (Midori-no-Madoguchi) at travel service centers na madalas makikita sa JR East stations.

How do I look up timetables?

Ang pinakamainam na tool ay Hyperdia kung saan ina-allow nito na makita ang train connections para sa train na covered ng Seishun 18 Kippu. Para malaman ito, unselect ang lahat ng check boxes sa ilalim ng “Search Options” maliban sa “Local train,” at “Japan Railways (JR).” Makikita lamang sa resulta ang local at rapid JR trains. Para sa link:  http://www.hyperdia.com/en/