Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Tinutong na Manok sa Gata

Isang Bicolano dish na inihahanda gamit ang native na manok, papayang hilaw, malunggay (moringa leaves) at siling pula na niluto sa gata.

Sangkap:

  • 1 kg native na manok (hita at drumstick)
  • 4 tasang desiccated coconut o dried coconut strips
  • 6 tasang gata
  • 2 tasang chicken stock
  • 1 katamtamang laki ng green papaya, hiwaing pakuwadrado
  • 1 bunch malunggay leaves
  • 1 maliit na luya, hiwaing manipis
  • 1 malaking siling pula (bell pepper), hiwain
  • 1 malaking sibuyas na pula, tadtarin,
  • 6 piraso ng bawang, pitpitin at tadtaring maliit
  • mantika
  • patis o sea salt
  • paminta

Paraan:

  1. Sa bowl, pagsamahin ang 2 tasang gata at 4 na tasang desiccated coconut, hayaang ma-rehydrate ang dried coconut.
  2. Ihanda ang baking tray na may aluminum foil o parchment paper, i-toast ang dried coconut sa 180℃ init ng oven sa loob ng 20 minuto o hanggang ang coconut strips ay magkulay brown at malutong.
  3. Ihalo ang natitirang gata sa malaking bowl at isama sa tostadong coconut. Ibabad sa loob ng 2 oras.
  4. Salain ang gata at desiccated coconut. Ilagay ang desiccated coconut sa isang manipis na tela o muslin cloth at pigaing mabuti, ihalo sa inihiwalay na gata. Itapon ang desiccated coconut.
  5. Sa isang wood burner, igisa ang bawang, sibuyas at luya. Gisahin hanggang lumambot ang sibuyas.
  6. Ihalo ang chicken at haluing mabuti hanggang ang kabuuan ng chicken ay magkulay brown.
  7. Ilagay ang chicken stock at iba pang sangkap maliban sa 1 tasang extracted na gata, pakuluin at hayaang kumulo sa mahinang init sa loob ng 45 minuto.
  8. Idagdag ang green papaya at siling pula at pakuluin sa karagdagang 15 minuto.
  9. Ihalo ang natitirang coconut milk at hayaang kumulo sa mahinang apoy at ihalo ang malunggay. Takpan at hayaang maluto ang gulay.
  10. Lasahan ng patis at paminta.

Note:
Kung walang wood burner, pwede rin ang normal na stove pero maiiba ang lasa dahil ang wood burner ang nagpapalabas ng smoky flavor ng dish na ito.

Para sa iba pang recipes, bisitahin ang www.angsarap.net