Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Miscellaneous

The Gift of Giving Through Service

Hindi lamang sa panahon ng Kapaskuhan kundi all-year-round ang pagtulong. Mas marami na ngayong organisasyon na bukas-palad sa pagtulong sa nangangailangan.
  1. Second Harvest Japan Food Bank ng Japan para sa nangangailangan

Ito ang kauna-unahang Food Bank ng Japan na isang non-profit organization. Ang kanilang layunin ay ma-improve ang food security ng mga mamamayan na nagugutom. Sa madaling salita, upang matulungan ang nagugutom at labanan ang poverty. Ang organisasyon na ito ay tumatanggap ng donasyon mula sa iba’t ibang food manufacturers, retailers at importers na may stocks na hindi na nila ibebenta pero pwede pang makain (good and safe for human consumption) ng mga nangangailangan. Hindi mo kailangang maging fluent sa Japanese, ito ay open para sa lahat ng nangangailangan ng tulong. Para sa karagdagang impormasyon ay sumangguni sa kanilang tanggapan o puntahan ang kanilang website.

2. Chokkura Home Stay – Domestic Home Stay Program for Japanese students

Ang Chokkura Home Stay (CHS) ay isang non-profit organization na inorganisa noong November 2014 at ang layon nila ay upang mag-provide ng domestic homestay program sa bawat Japanese students para mabawasan ang educational gap sa Japan at makapag-contribute sa globalization ng bansa. Ito ay nagbibigay-shelter o pansamantalang tahanan para sa Japanese children na hindi makapag-aral abroad dahil sa kakapusan ng pera. Ang organisasyon ang naghahanap ng foreign family na naninirahan sa Japan na willing buksan ang kanilang tahanan para sa mga batang mag-aaral kahit sa loob lamang ng tatlong oras at sa summer ay hanggang 10 araw. Ang palitan ng language at culture sa pagitan ng foreign families at mag-aaral ay makakatulong upang mas lumawak pa ang kani-kanilang kaalaman sa kani-kanilang bansa. Makakatulong rin ito sa foreign hosts na maka-adapt sa culture at language ng Japan.

3. Tokyo English Lifeline (TELL)

Ang Tokyo English Lifeline ay nagbibigay-suporta at counselling sa international community na naninirahan sa Japan at tumutulong upang mas tutukan ang mental health care needs ng mga ito para maiwasan ang suicide.

4. Ark

Kung may mga NGO na nagbibigay ng temporary shelter sa tao ay mayroon ding mga NGO na handang tumulong sa mga hayop na nangangailan ng shelter. Ang kanilang event ay nangyayari dalawa hanggang tatlong beses sa iba’t ibang lugar. Ito ay open sa lahat.

5. Refugees International Japan (RIJ)

Isang independent non-profit organization na nagbibigay ng pondo sa proyekto para sa mga taong nalagay sa alanganin dahil sa iba’t ibang conflict ng kanilang bansa. Layon ng organisasyon ang magbigay suporta at oportunidad sa mga kapuspalad na ito na makapamuhay ng normal. Mayroon silang iba’t ibang volunteers na may ispesipikong skills na handang tumulong. Iba’t ibang tulong ng suporta tulad ng counseling, rehabilitation, skills training at edukasyon para muli silang makapamuhay ng normal at harapin ang panibagong pagkakataon sa buhay.