Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

TFC, hatid ang “Pusuan Mo si Vice Ganda” sa ika-10 anibersaryo nito sa Japan

Kasamang nakisaya ng Unkabogable Star ang mga komedyanteng sina MC Calaquian at Lassy Marquez, at si “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime” first grand winner Noven Belleza sa kaniyang kauna-unahang TFC show.

Bilang bahagi ng ika-10 anibersaryo ng The Filipino Channel (TFC) sa Japan, ibinahagi nito para sa mga Kapamilya sa bansa ang isang weekend na puno ng katatawanan at good vibes sa “Pusuan Mo si Vice Ganda sa Japan” kahapon (July 2) sa Ichikawa City Cultural Hall.

Ang “Pusuan Mo si Vice Ganda sa Japan” ang ikalawang international leg ng matagumpay na concert series ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na unang ginanap sa sa U.S. noong April. Bukod sa sangkaterbang katatawanan, naghanda rin si Vice Ganda ng mga surprise performances na magpapatunay na bukod sa pagiging komedyanteng may perfect timing, isa rin siyang well-rounded performer.

Nakasama ng tinagurian ding Phenomenal Star sa pagdala ng good vibes ay ang mga komedyanteng sina MC Calaquian at Lassy Marquez, na matatandaang nakasama niya sa box-office hit film na “The Super Parental Guardians”.

Kinabilangan din sa concert ang “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime” first adult grand-winner na si Noven Belleza, para sa kaniyang kauna-unahang major international performance matapos ang kaniyang pagkapanalo noong Mayo.

Naging mas kapana-panabik pa ang concert experience ng mg Kapamilya sa Japan dahil sa launch ng TFC Live App.

Ang Pusuan Mo Si Vice Ganda” ay isa lamang sa mga matatagumpay na concerts ng “It’s Showtime” host na ginanap sa loob at labas ng bansa, tulad ng kaniyang 2015 concert na “Vice Gandang Ganda sa Sarili”. Ang susunod na legs ng “Pusuan Mo Si Vice Ganda” ay magaganap sa August sa South Korea at October sa Sydney.