Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Tensiyon sa pagitan ng RP at China, tumitindi

Mukhang hindi nagiging maganda ang resulta ng kung anumang batuhan ng salita at usapan sa pagitan ng RP at China ukol sa pinag-aawayang Scarborough Shoal, ang islang mayaman sa gas at langis. Nagpahayag na ang China na sila ay handa sa kung anumang mangyayari at bilang patunay ay may sampung bangkang pangisda at surveillance ship ng mga Intsik na nakahimpil sa lugar na yaon samantalang dalawang Philippine coast guard ship lamang ang nakahimpil sa naturang lugar.

Sa kabilang banda, kung ang bansang Tsina ay medyo nagi-init na, ang Pilipinas naman ay kalmado pa rin dahil gusto nila itong daanin sa maayos at legal na paraan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na patuloy na pagsisikapan ng gobyerno ng Pilipinas na maresolba ang problema sa mapayapang paraan at binigyang diin nila ang kahalagahan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa pagresolba ng maritime disputes sa West Philippine Sea.