Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

TAGUMPAY NG PINOY ATHLETES SA OLYMPICS TOKYO 2020

Ayon kay Ms. Myles Briones Beltran isang Bombo Samurai International news correspondents sa Japan. May 3 dekada ng naninirahan sa Japan na may apat na anak na puro aktibo din sa sports.

Isang siya sa kauna-unahang Pilipina na nag interview kay Hidilyn Francisco Diaz na isang Pilipino weightlifter at airwoman, ang kauna-unahang Pilipino na nagwagi sa olimpico ng isang medalyang gintong para sa Pilipinas.

Ang panayam ni Ms. Myles kay Ms. Hidilyn Diaz ay isang malaking scoop na nagawa niya bilang isang correspondent sa panahon ng Tokyo 2020 Olympic Games. Nakapanayam rin niya si Nesthy Petecio na nagwagi ng silver sa women’s featherweight boxing, si Carlo Paalam na nagwagi rin ng silver medal sa men’s flyweight boxing at Nagdagdag naman si Eumir Marcial ng bronze na medalya sa middleweight boxing. Si Margielyn Didal na nag-landing sa ika-7 puwesto sa finals ng inaugural women’s skateboarding.

Nakita ni Myles ang galak at tuwa ng Team Pilipinas dahil sa tagumpay na ipinamalas ng 19 na atleta ng Pilipinas na sumabak sa Olympics 2020 dito sa Japan. Masaya siya dahil sa todong suporta ng mga kababayan natin dito sa Japan, sa kabila man ng pagdami ng mga bilang ng coronavirus cases sa Tokyo.

Maalwan natapos ang Tokyo 2020 Olympic kahit sa kabi-kabila ang mga nagpoprotesta na huwag ituloy ang Olympics. Sabi pa niya na isa ito sa mga ipinagmamalaki niyang achievement sa kaniyang buhay. At bilang panghuli nais ni Ms. Myles, na pasalamatan lahat ng ating mga kababayan Pilipino na sumuporta sa ating mga atleta. “ Mabuhay ang Pilipinas at Mabuhay tayong lahat.!”