Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

STUDENTS FARE DISCOUNTS, ISINULONG

Nagsulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng pagpapalawak sa ibinibigay ng fare discounts para sa mga estudyante sa lahat ng pampasaherong sasakayan, ito ay bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng tuition fee gayundin sa mga pangunahing bilihin.   Ayon kay Aurora Rep. Juan Edgardo Angara, chairman ng House committee on higher and technical education, malaking tulong sa mga magulang at sa mga estudyante kung mababawasan ang gastos ng mga ito sa pamasahe tuwing panahon ng pasukan.  Layon ng House Bill na ito ay upang bigyan ng kahit kontong ginhawa ang mga estudyante hindi lamangtuwing pasukan kundi kahit araw ng Sabado at linggo, semestral breaks, Christmas vacation at iba pang legal holidays.

Apela nito sa lahat ng may-ari ng mga public utility vehicle (PUVs), airline at sea line operators, at mass rail transit administrators na tumulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga mahihirap at ng buong bansa. Sa kasalukuyan, nakakakuha lamang ng 20 porsyentong fare discount sa pampasaherong jeep tuwing Lunes hanggang Biyernes sa buwan ng Hunyo hanggang Marso at sa summer classes ang mga estudyante.-(Abante-Tonite)