Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Strascope for the Month of December 2018

Aries (March 21-April 19)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Violet
LUCKY NOS: 5, 16, 28, 40
May magandang balita o impormasyon na matatanggap tungkol sa matagal nang gustong malaman. Pag-isipan mabuti kung itutuloy ang plano para hindi mabulilyaso. Ang tunay na pag-ibig ay makikita sa kilos at gawa. Iwasan ang madarang sa tukso upang maiwasan ang nakaambang gulo.

TAURUS: (April 20-May 20)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Cherry Red
LUCKY NOS: 6, 11, 23, 28
Maging maingat sa lahat ng desisyon. Huwag magpadalus-dalos at dahan-dahang tahakin ang landas na gustong puntahan upang hindi ka maligaw o mawala. Magiging maganda ang iyong buhay pag-ibig dahil may makikilala ka na magbibigay kulay sa iyo. Magiging matumal man ang iyong negosyo ay makakabawi rin ito.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Mustard Yellow
LUCKY NOS: 4, 10, 15, 24
Huwag ka nang umasa pa na darating ang iyong hinihintay dahil hindi ito mangyayari. Ang stress na iyong dinaranas ay magbibigay sa iyo ng problema sa kalusugan kaya ingatan ang sarili. Ang mga kaibigan ang makakatulong upang ma-relax ang iyong isipan at gumaan ang kalooban. Sila ay handang makinig at tumulong sa iyo.

Cancer (June 22- July 22)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Charcoal Gray
LUCKY NOS: 3, 17, 32, 41
Maging mabilis ang pag-iisip dahil may mga binabalak ka na sasalungatin ng mga taong nakapaligid sa iyo. Ang lakas ng iyong pakiramdam at prinsipyo ang iyong gamitin upang mapaglabanan ang pananadya sa iyong paligid.

Leo (July 23- August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Powder Blue
LUCKY NOS: 4, 13, 21, 28
Ang mag-ingat ay dapat na laging isipin lalo na ang gawin. Huwag nang lumayo ang paningin dahil ang hinahanap ay nasa paligid o nasa harapan na. Inaayunan ng panahon ang magsimula ng magandang plano para sa hinaharap.

Virgo (August 23- September 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 2, 13, 23, 33
Ang hindi inaaasahang mangyari ay magbibigay sigla sa pag-ibig o sa trabaho. Huwag mangako dahil may posibilidad na mahirapan sa pagtupad. Kung ano ang maganap, panatilihin ang kahinahunan. Huwag mawalan ng pag-asa.

Libra (September 23-October 23)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Avocado Green
LUCKY NOS: 4, 13, 24, 35
Malakas ang iyong pakiramdam. Pakinggan ang kutob ng kalooban nang hindi magkamali sa pagdedesisyon. Maging positibo. Kahit ano ang gawin, maging matatag at tagumpay ang matatamo. Ang matagal nang hinahangad ay matutupad.

Scorpio (October 24- November 21)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 11, 22, 32, 41
Time is gold ika nga kaya huwag magsayang ng oras. Kung may dapat asikasuhin ay gawin agad at huwag nang magpatumpik-tumpik pa. Bagama’t tinatamad, matutuwa kung makikitang tapos ang mga gawain. May ilang mga bagay na dapat isaayos na nangangailangan ng pera.

Sagittarius (November 22 -December 21)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 4, 7, 16, 32
Matatapos nang maayos ang mga gawaing nasimulan. Huwag kaagad magbibigay ng reaksyon sa mangyayari. Makakabuting pag-aralan muna bago magkumento. May balitang matatanggap na magbibigay ng kasiglahan o kalungkutan.

Capricorn (December 22- January 19)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 7, 16, 26, 36
Iwasan ang paanyaya ng mga kaibigan. Kailangan ang disiplina sa sarili para makamit ang minimithi. Iwasan ang magpadalus-dalos ng pasiya. Magkakaroon nang pagkakataon na maiangat ang hirap na kalagayan sa negosyo.

Aquarius (January 20- February 18)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 6, 11, 18, 32
Ang sipag ay siyang puhunan sa tagumpay na dapat pag-ibayuhin. Kung marunong magpahalaga sa tungkulin, may kaunlaran na naghihintay sa kinabukasan. Malulutas na ang matagal nang gumugulong suliranin.

Pisces (February 19- March 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NOS: 6, 10, 25, 33
Hindi matatapos ang problema kung hindi haharapin at hahanapan ng solusyon. Hindi sa lahat ng oras magagawang hayaan at iwasan ang problema. Isang lihim ang hindi sinasadyang matutuklasan. May palatandaan patungo sa katuparan nang hinahangad.