Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF OCTOBER 2017

Aries (March 21-April 19)

LOVE: **

LUCK: ***

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Friday

HI-VIBE DAY: Thursday

LUCKY COLOR: Burgundy Red

LUCKY NOS: 2, 13, 25, 33

              Magtiwala sa sarili. Anumang pagsubok ang pagdanaan, isipin na ito ay malalampasan. Magtiwala lang na anuman ang mangyari, makakarating pa rin sa nais na patunguhan. Maraming daan patungo sa landas ng tagumpay pero ang nag-iisang daan na sadyang inilaan, ang siya pang kinatatakutang puntahan.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: **

LUCK: ***

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Wednesday

HI-VIBE DAY: Monady

LUCKY COLOR: Green

LUCKY NOS: 15, 27, 35, 40

              Huwag masyadong nakafocus sa isang bahay. Huwag magmadali dahil magiging resulta lamang ito ng mas maraming pagkakamali. Ang resulta, nasisira o nawawala na ang mga ito nang hindi napapansin. Huwag hintaying mawala ito bago malaman ang kahalagahan ng mga ito.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Thursday

HI-VIBE DAY: Monday

LUCKY COLOR: Lilac Pink

LUCKY NOS: 7, 19, 27, 32

              Makakakilala ng mga tao na sa kalaunan ay magdaragdag ng kasiyahan sa buhay. Sila rin ang magsisilbing guro para matutuhan ang maraming bagay sa paligid. Huwag pansinin ang anumang maririnig na masakit na mga salita sa tahanan. Ituon ang pansin sa pagpapaunlad sa sarili.

Cancer (June 22-July 22)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Saturday

HI-VIBE DAY: Wednesday

LUCKY COLOR: Beige

LUCKY NOS: 5, 14, 28, 40

Ikonsidera ang iba pang bagay na maaaring makatulong para matupad ang pangarap. Lahat ng ginagawa ngayon ay nakatuon sa iisang bagay, ang makamit ang iyong pangarap. Maaaring sa sobrang pokus ay may bagay kang makakaligtaan.

Leo (July 23-August 22)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Friday

LUCKY COLOR: Red

LUCKY NOS: 11, 12, 30, 37

Huwag laging kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakaya, daig pa ang isang bulkang sumabog. Panatilihing nasa ayos ang mga bagay, positibo ang pananaw dahil magugulat na lamang kung paano ito nakatulong sa mahalagang pagbabago sa iyong buhay.

Virgo (August 23-September 22)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ****

LO-VIBE DAY: Thursday

HI-VIBE DAY: Monday

LUCKY COLOR: Turquoise Blue

LUCKY NOS: 9, 23, 36, 42

Isipin lagi na may kakayahang pamunuan ang lahat at maisaayos ang mga bagay. Sa kabila ng kalituhan, malalaman mong nasa sariling kamay mo pa rin ang kontrol sa maraming bagay. Nasa iyo ang katangian at kakayanan, kailangan lamang itong pag-ibayuhin.

Libra (September 23-October 23)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Friday

LUCKY COLOR: Light Blue

LUCKY NOS: 2, 5, 32, 39

    Isipin ang gagawin nang maiwasan ang pagkasayang ng mga oportunidad. Huwag magmadali kung sa tingin ay may mga magagandang oportunidad na dumating. Kung alam ang tamang paraan tungo sa tagumpay, mararating iyon. Palawakin ang kaalaman.

Scorpio (October 24-November 21)

LOVE: ****

LUCK: **

MONEY: ***

LO-VIBE DAY:  Saturday

HI-VIBE DAY: Thursday

LUCKY COLOR: Bold Yellow

LUCKY NOS: 6, 10, 23, 41

Kung may mga bagay na hindi alam, pag-aralan ito nang matutuhan. Hindi man lubusang maintindihan, mahalagang kahit kaunti ay may nalalaman ka. Kung nais magtagumpay, matutong makilaro sa hamon ng buhay.

Sagittarius (November 22-December 21)

LOVE: ***

LUCK: **

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Saturday

LUCKY COLOR: Orange

LUCKY NOS: 9, 18, 27, 33

Maraming bagay kang ginagawa na hindi naman kailangan. Huwag pagurin ang sarili sa paggawa ng mga bagay na ito na hindi importante at umuubos lamang ng iyong panahon. Ang tagumpay mo ay nakasalalay sa iyong mga positibong katangian at hindi sa iyong mga kahinaan.

Capricorn (December 22-January 19)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ****

LO-VIBE DAY: Wednesday

HI-VIBE DAY: Tuesday

LUCKY COLOR: Silver Gray

LUCKY NOS: 5, 13, 34, 41

Sa halip na maghanap ng ibang bagay, bigyang halaga ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi, malalaman na lang sa bandang huli na marami ka palang sinayang at binalewala. Kung hindi mo man gusto ang nasa sa iyo na, tingnan ang mga mabuting maidudulot nito sa halip na hindi ito pansinin

Aquarius (January 20-February 18)

LOVE: ***

LUCK: ****

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Thursday

HI-VIBE DAY: Sunday

LUCKY COLOR: Chocolate Brown

LUCKY NOS: 9, 17, 24, 38

Sa pag-ibig, dahil sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang taong muling magpapatibok ng iyong puso. Lahat ng nais gawin ay ipagpatuloy dahil ang pagpupursiga sa isang bagay ay magkakaroon ng katuparan at tagumpay.

Pisces (February 19-March 20)

LOVE: ***

LUCK: ****

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Sunday

HI-VIBE DAY: Saturday

LUCKY COLOR: Yellow Gold

LUCKY NOS: 10, 23, 37, 44

Hindi likas sa iyo ang madaling sumuko kaya kung anuman ang pagdaraan ay maging matatag at mapagtimpi para makayanan ang mga pagsubok sa buhay. Alalahaning hindi lahat ng solusyon sa problema o hangarin sa buhay ng isang tao ay nakukuha sa isang araw lang. Kadalasan, nahihirapan muna bago maabot ang nais