Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the Month of September 2019

Aries (March 21-April 19)
TAURUS: (April 20-May 20)
Gemini (May 21-June 21)
Cancer (June 22- July 22)
Leo (July 23- August 22)
Virgo (August 23- September 22)
Aries (March 21-April 19)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Jade Green
LUCKY NOS: 10, 23, 37, 44

Maging matatag at mapagtimpi sa pagharap ng mga  pagsubok. Laging isipin na hindi lahat ng hangarin o kung anumang mga suliranin sa buhay ay magkakaroon agad ng solusyon. Kadalasan, mahihirapan ka muna bago makamit ang gusto.

TAURUS: (April 20-May 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 9, 17, 24, 38

Isang kaibigan ang magbubukas ng daan sa iyong bagong pag-ibig. Siya ang magpapakilala sa inyong dalawa. Magiging matagumpay ka sa lahat ng gustong gawin o balakin. Kung may manghihingi ng payo ukol sa pag-ibig ay bigyan ito ng tamang payo.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 5, 13, 34, 41

Bigyang halaga ang mga bagay na mayroon ka. Huwag pairalin ang inggit. Kung hindi nagustuhan ang nasa iyo, hanapan ng paraan para makamit ang gusto sa magandang paraan. Iwasan ang manira ng kapwa dahil wala itong idudulot na mabuti.

Cancer (June 22- July 22)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 9, 18, 27, 33

Kung hindi kaya, huwag pilitin dahil masasayang lamang ang iyong oras. Mas madalas na hindi mo naman naiintindihan ang iyong ginagawa at nasasayang lang ang iyong oras at pagod. Ang tagumpay ay nakasalalay sa iyong positibong katangian at hindi sa iyong kahinaan.

Leo (July 23- August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 6, 10, 23, 41

Kung may hindi alam, pag-aralan nang matutuhan. Hindi man lubusang maunawaan, ang mahalaga kahit kaunti ay may nalalaman. Kung gustong magtagumpay, matutong makisayaw sa tugtog ng buhay dahil ito ang magbibigay daan sa iyong tagumpay.

Virgo (August 23- September 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Purple
LUCKY NOS: 10, 22, 34, 45

Mahalaga ang magplano at isipin ang gagawin nang makaiwas sa pagsasayang ng oportunidad o oras. Kung alam ang tamang paraan patungo sa tagumpay, makakarating ka roon nang walang sagabal.

Libra (September 23-October 23)
Scorpio (October 24- November 21)
Sagittarius (November 22 -December 21)
Capricorn (December 22- January 19)
Aquarius (January 20- February 18)
Pisces (February 19- March 20)
Libra (September 23-October 23)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Powder Blue
LUCKY NOS: 9, 23, 36, 42

Nasa iyo ang katangian at kakayanan, kailangan mo itong pag-ibayuhin at huwag itago. Ipakita na kaya mong pamunuan at maisaayos ang mga bagay na kailangang ayusin. Sa kabila ng kalituhan, mapagtatantong nasa kamay ang pagkontrol sa mga bagay.

Scorpio (October 24- November 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 11, 12, 30, 37

Kadalasan ang mga taong nagkikimkim ng sama ng loob, minsan ay bigla na lamang itong sumasabog o nagkakaroon ng tinatawag na breakdown. Kung ikaw ay may sama ng loob, huwag itong kimkimin. Panatilihing maayos at positibo ang iyong pananaw at huwag hayaang kainin ng negatibong sistema.  Ang pagiging positibo ay makakatulong sa iyong pag-unlad.

Sagittarius (November 22 -December 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Indigo
LUCKY NOS: 5, 14, 28, 40

Bigyang pansin ang ibang bagay na maaaring makatulong sa  pagtupad ng iyong pangarap. Lahat ng gagawin ngayon ay ituon sa pagkamit ng magandang kinabukasan. Maaaring sa sobrang pokus ay may makaligtaan ka. Kaya dapat mag-ingat.

Capricorn (December 22- January 19)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Violet
LUCKY NOS: 7, 19, 27, 32

Sa kalaunan makakakilala ka ng tao na magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya ang magsisilbing guro sayo para matutuhan ang maraming bagay sa paligid. Huwag bigyan pansin ang maririnig na masasakit na salita sa tahanan.

Aquarius (January 20- February 18)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 15, 27, 35, 40

Kung ikaw ay may gagawin, huwag mag-focus sa isang bagay lang. Pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nangangailangan ng atensyon. Ang lahat ng bagay ay hindi nadadaan sa madalian dahil pag nagkamali ka ay mas malaking perhuwisyo ang idudulot nito. Huwag hintayin na mawalang tuluyan ang isang bagay bago matanto ang kahalagahan nito.

Pisces (February 19- March 20)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 2, 13, 25, 33

Magtiwala sa anumang bagay na mangyayari sayo, dahil makakarating ka rin sa iyong patutunguhan. Maraming daan sa landas ng tagumpay, huwag lang katakutan ang inilaan para sa’yo. Tiwala sa sarili ang kailangan. Panatilihin ang sipag at tiyaga.