Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope For The Month Of October 2019

Aries (March 21-April 19)
Taurus (April 20-May 20)
Gemini (May 21-June 21)
Cancer (June 22- July 22)
Leo (July 23- August 22)
Virgo (August 23- September 22)
Aries (March 21-April 19)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Chocolate Brown
LUCKY NOS: 10, 15, 28, 32

Hindi dapat magdamdam kung hindi man natupad ang anumang ipinangako at para hindi maulit ang ganitong sitwasyon, maging maingat sa pagde-desisyon. Iwasan ang pagiging masyadong emosyonal dahil hindi ito makakabuti sa iyong pagkatao.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Fuschia
LUCKY NOS: 17, 23, 35, 41

Maging mahinahon habang naghahanap ng solusyon sa problema. Huwag pairalin ang init ng ulo dahil hindi nito mabibigyan ng solusyon kung anuman ang pinagdaraan. Laging tandaan na may mga tao sa iyong paligid na handang tumulong at magbigay suporta.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 7, 10, 25, 30

May namumuong pag-ibig sa iyo at iyong ka-trabaho. May mga tao man makikialam sa inyong, pero lagi tandaan na ikaw pa rin ang may hawak ng iyong buhay at desisyon kaya maging maingat sa mga desisyon at kung ano ang nararapat para sa iyo.

Cancer (June 22- July 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Lavender
LUCKY NOS: 5, 15, 35, 40

Magkakaroon na rin ng kalutasan ang isang suliraning matagal nang bumabagabag sa iyo. Magkaroon man ng ilang minor na suliranin, ito ay mare-resolba agad. Lahat ng problemang haharapin ay magkakaroon ng kalutasan kung ikaw ay magiging matatag. Sa tulong mo pasasalamatan ka ng iyong mahal sa buhay.

Leo (July 23- August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Sky Blue
LUCKY NOS: 16, 25, 29, 30

Huwag palawakin ang alitan sa kabiyak o sa minamahal sa buhay para hindi mauwi sa matagal na walang imikan. Ang kaunting bagay na dapat pag-usapan ay huwag idaan sa tampo o sa pagsasawalang imik. May pagbabago sa aspetong pinansyal. Maging maagap sa oportunidad na darating.

Virgo (August 23- September 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Gray
LUCKY NOS: 15, 19, 23, 30

Ang katangian na maalalahanin, mapagbigay at maunawain ay magbibigay ng malaking pag-asa sa binabalak. Abot tanaw na ang mga positibong resulta na iyong hinihintay. Para sa naghahanap ng kapareha sa buhay, paglalakbay o malayo sa iyong lokalidad upang makita ang hinahanap. Ang paligid ng Solar Eclipse sa Oktubre ay magkakaroon na espesyal na kahulugan sa iyo.

Libra (September 23-October 23)
Scorpio (October 24- November 21)
Sagittarius (November 22 -December 21)
Capricorn (December 22- January 19)
Aquarius (January 20- February 18)
Pisces (February 19- March 20)
Libra (September 23-October 23)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 5, 12, 17, 20

Kung hindi man ikaw ang sentro ng mga pangyayari sa kasalukuyan ay huwag itong ipagdamdam. Ibuhos ang pagkakataon upang ma-obserbahan ang mga taong nakapaligid sa iyo. Ang libra ay maaaring magkaroon ng pakiramdam na niloloko ng mga kamag-anak. Dapat din alagaan ang kalusugan at magtanong tungkol sa mga mahal niya.

Scorpio (October 24- November 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 15, 12, 26, 33

Lahat ay posible para sa’yo ngayon. Ang mga hindi mo kayang kunin ay hindi sadyang itinadhana para sa’yo. Mag-focus na lamang muna sa kung ano ang nasa iyong harapan at saka pagtuunan ng pansin ang mga susunod na kaganapan.

Sagittarius (November 22 -December 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 16, 18, 34, 30

Ang gawaing pisikal ay inaayunan ng panahon. Huwag magmalabis sa gawaing mental dahil kalusugan ang bibigay. Maghinay-hinay. Pagtuunan ng pansin ang mas makabuluhang gawin kesa magpunta sa mga lugar na hindi makakatulong at aksaya lang ng iyong panahon. May mga bagay na dapat pag-isipan ang magiging konsikwensya bago gawin para hindi pagsisihan.

Capricorn (December 22- January 19)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Purple
LUCKY NOS: 13, 22, 27, 40

Ang pagbabago ng ugali dahil sa sandaling katanyagan ay hindi maganda. Maging magpakumbaba at makinig sa payo ng nakakatanda. Sa may asawa ang pag-iibigan ay mas sisibol sa katapusan ng buwang ito.

Aquarius (January 20- February 18)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 9, 11, 25, 35

Nasa magandang pag-uusap ang pagresulba sa problema. Nasa iyong kakayahan ang malaking resulta ng bawat proyektong iyong sinisimulan. May malaking maitutulong ang ilang importanteng tao sa buhay mo.

Pisces (February 19- March 20)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 12, 19, 20, 39

Maging mahinahon at mapagpasensiya kung may hindi pagkakaunawaan. Lalong lalaki lang ang hindi pagkakaunawaan kung dadaanin sa init ng ulo. Hindi masamang makipagkompromiso para hindi kayo magkabanggaan ng mga interes.