Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the Month of May

Aries (March 21-April 19)
Taurus (April 20-May 20)
Gemini (May 21-June 21)
Cancer (June 22- July 22)
Leo (July 23- August 22)
Virgo (August 23- September 22)
Aries (March 21-April 19)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 7, 13, 37, 40
Ikaw o kahit na sinong indibiduwal ay hindi nakakatiyak sa takbo ng panahon. Ang tanging gabay mo sa bawat araw ng iyong existence sa mundo ay ang taimtim na panalangin. Kung ikaw ay taong mabilis magtiwala, ay maging maingat. Huwag basta ibigay ang tiwala sa mga taong hindi mo lubos na kakilala.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 12, 22, 29, 33
Ang iyong pagiging mapagparaya at pagiging hindi selfish ang dahilang kung masaya ang iyong mga mahal sa buhay. And in return, ang mga taong nagmamahal sa iyo ang magpapadama ng kanilang nagpapasalamat at pagmahahal sa lahat ng tulong na iyong naibigay sa kanila.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 11, 21, 38, 40
Nakikita sa iyo ang pagka-bored sa bawat araw na dumaraan ay naiinip ka to the point na naiinis ka sa sarili dahil walang nangyayari. Lumilipas ang araw na walang nangyayari. Gumising ka at kumilos at gawin ang dapat gawin. Kaya naiinip dahil hindi ka active. Naghihintay ka lang ng resulta na alam mong hindi mo makukuha dahil mabagal kang kumilos. Tulad nga ng kasabihan, early bird catches the worm. Ito na ang tamang panahon para isakatuparan ang iyong plano. 

Cancer (June 22- July 22)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Light Blue
LUCKY NOS: 8, 13, 24, 39
Matamlay ka dahil namumrublema ka sa iyong pag-ibig. Hindi mo dapat isipin yun at huwag mag-alala dahil kung hindi ukol ay hindi  bubukol. Ibig sabihin, ang taong pinaguukulan mo ng pansin ay hindi ang taong nababagay sa iyo na kung pagpupursigehan mo ay baka pagsisihan mo lang. 

Leo (July 23- August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 12, 21, 39, 40
Hindi ka dapat mainis sa mga taong nakapaligid sa iyo dahil nais lang nilang maging maayos at maganda ang patututunguhan ng iyong pinaghirapan. Makinig sa
iyong pamilya na nagmamalasakit sa iyo. Huwag kang lumayo, bagkus, lumapit sa pamilya kung ikaw ay may dinaramdam o problema. Laging tandaan, ang pamilya
mo ang lagi mong kakampi.

Virgo (August 23- September 22)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 5, 11, 26, 38

Bago gawin ang isang bagay na alam mo sa sarili mong walang kasiguruhan, mag-isip muna mabuti. May mga desisyon na may katuturan at mayroon din naman desisyon na walang katuturan. Saan ka dun? Hindi makakabuti ang binabalak kung alam mo rin namang wala itong patutunguhan.

Libra (September 23-October 23)
Scorpio (October 24- November 21)
Sagittarius (November 22 -December 21)
Capricorn (December 22- January 19)
Aquarius (January 20- February 18)
Pisces (February 19- March 20)
Libra (September 23-October 23)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 14, 16, 34, 41
Maging matamlay ka man ngayon ay huwag itong masyadong pakaisipin dahil selos lamang ang nararamdaman. Huwag itong pakadibdibin dahil makakabuti sa iyong relasyon at hindi makakabuti sa iyong kalusugan.

Scorpio (October 24- November 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 19, 27, 35, 42
Hindi alam ng lahat kung ano ang pinagdaraanan mo dahil magaling kang magtago. Hindi alam ng lahat na dinaramdam mo ang bawat bagay na sinasabi sa yo lalo pa kung ito ay salungat sa iyong kagustuhan. Huwag mong kimkimin ang mga ganito bagay dahil
makakasama lamang sayo. Kung may dinaramdam, isiwalat ito para lumuwag ang iyong pakiramdam. Maging tapat sa tunay na damdamin.

Sagittarius (November 22 -December 21)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 1, 18, 24, 38 
Problemado man, makikilala naman ang tunay na mga kaibigan. Ang mga bagay na ito ay sapat na upang maging magaan ang susunod pang mga pagsubok.

Capricorn (December 22- January 19)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 16, 19, 26, 39
Prangka ka kung magsalita na kadalasan ay hindi mo naiisip na nakakasakit ka na ng damdamin ng kapwa. Mag-ingat sa mga salita para hindi mapahiya. At huwag mo ring damdamin ang mga pangyayari dahil makakabawi ka rin sa ibang paraan. Lawakan ang pang-unawa.

Aquarius (January 20- February 18)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Jade Green
LUCKY NOS: 18, 24, 34, 40
Matutong sumunod. Ang kahilingan ng marami ay dapat sundin kesa mauwi sa hindi pagkakaunawaan o samaan ng loob. Ang buhay pag-ibig ay timplahing mabuti dahil
mag-iiba ang pananaw ng kasintahan na baka mauwi sa hiwalayan.

Pisces (February 19- March 20)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 2, 15, 22, 38
Iwasan ang maging agresibo, dahil sa halip na mapapalapit ang loob ng minamahal ay lalo itong mawawalan ng tiwala kung magiging mapusok. Tanggapin ang kabiguan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *