Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF MAY 2014

Aries (March 21-April 20)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Thursday

HI-VIBE DAY: Friday

LUCKY COLOR: Maroon

LUCKY NOS: 4, 18, 24, 35

Maganda o masamang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansyal o buhay pag-ibig. Huwag hayaan na maapektuhan ang sarili. Laging mag-isip ng positibo upang kontrahin ang kung anumang negatibong epekto ng matatanggap na balita.

 

Taurus (April 21-May 21)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Monday

LUCKY COLOR: Peach

LUCKY NOS: 9, 16, 24, 39

May mga bagay na pinagdududahan ka sa ibang tao. Para makasiguro sa gustong malaman, kausapin nang masinsinan para maliwanagan. Huwag kimkimin kung may hinanakit. Unang-una, hindi ito makakabuti sa iyong kalusugan at sa magiging pananaw sa buhay.

 

Gemini (May 22-June 21)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Monday

HI-VIBE DAY: Wednesday

LUCKY COLOR: Brown

LUCKY NOS: 4, 16, 27, 31

Ang maging mapagbigay at maalalahanin ang mabisang paraan para mapalapit sa lihim na iniibig. Kung may gustong sabihin, walang masama na magtapat kung bukal sa loob at malinis ang hangarin.

 

Cancer (June 22-July 23)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Thursday

HI-VIBE DAY: Saturday

LUCKY COLOR: Pink

LUCKY NOS: 11, 23, 39, 44

Hindi kailangan na maging magarbo o magastos para makatiyak na maging maganda ang impresyon ng ibang tao sa iyo. Ang maging natural sa lahat ng bagay ay sapat na para makakuha ng mga kaibigan.

 

Leo (July 24-August 22)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Friday

HI-VIBE DAY: Sunday

LUCKY COLOR: Sky Blue

LUCKY NOS: 17, 24, 39, 41

Huwag maging magastos kahit may pera dahil darating ang araw na tiyak may pagkakagastusan na hindi maiiwasan. Magtipid at simulan ang pagi-ipon. Laging tandaan, kapag may inimpok, may madurukot.

 

Virgo (August 23-September 23)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Wednesday

HI-VIBE DAY: Tuesday

LUCKY COLOR: Tangerine

LUCKY NOS: 4, 13, 30, 41

Unti- unting makikilala ka sa larangan na kinabibilangan sa lipunan kung patuloy ang kasalukuyan gawi at hindi ito babaguhin. Laging tandaan, ikaw ay ikaw at hindi mo na kailangang baguhin pa ang sarili mo. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman.

 

Libra (September 24-October 23)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Monday

HI-VIBE DAY: Saturday

LUCKY COLOR: Violet

LUCKY NOS: 10, 26, 33, 40

Huwag agad-agad na gumawa ng desisyon kung hindi tiyak ang sarili sa magiging resulta. Ang paggawa ng desisyon ay hindi minamadali lalo na kung maseselang bagay ang nakataya. Dapat pag-isipang mabuti ang mga bagaybago desisyunan. Kung kinakailangang sumangguni sa malalapit na kaibigan o nakatatanda ay gawin.

 

Scorpio (October 24-November 22)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Saturday

HI-VIBE DAY: Wednesday

LUCKY COLOR: White

LUCKY NOS: 2, 16, 30, 42

Maaaring mapilitan kang pumili sa isa sa dalawang bagay na kapwa hindi mo alam ang magiging resulta. Maaaring ang kasintahan ay magyayang pakasal at magdalawang-isip ka. Tiyakin ang desisyon na galing sa puso at damdamin bago sumagot.

 

Sagittarius (November 23-December 21)

LOVE: ***

LUCK: **

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Wednesday

HI-VIBE DAY: Friday

LUCKY COLOR: Gray

LUCKY NOS: 9, 16, 25, 40

Iwasan na maging sakit ng ulo ng kapwa. Huwag hayaang mainis ang nakapaligid sa iyo dahil magiging makulit ka sa mga ganitong panahon. Pigilan ang sarili upang hindi kainisan.
Capricorn (December 22-January 20)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Sunday

LUCKY COLOR: Green

LUCKY NOS: 6, 18, 26, 37

Magpakumbaba at huwag hayaang umiral ang kayabangan. Magiging mataas ang iyong pride at kapag walang disiplina sa sarili, mapapasubo at mapapahiya sa karamihan. May sasalungat sa iyo.

 

Aquarius (January 21-February 19)

LOVE: **

LUCK: ***

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Thursday

HI-VIBE DAY: Friday

LUCKY COLOR: Orange

LUCKY NOS: 4, 7, 24, 36

Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar para maiba ang ihip ng kapalaran. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng panahon. Ang nararamdamang sakit ay mapapawi.

 

Pisces (February 20-March 20)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Monday

HI-VIBE DAY: Thursday

LUCKY COLOR: Red

LUCKY NOS: 3, 15, 19, 38

Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng pagkamaunawain at pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Ang tiwala ay kakambal ng pag-ibig at pagmamahal kaya dapat alagaan ng todo nang hindi masira.