Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope For The Month Of March 2019

Aries (March 21-April 19)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 2, 14, 32, 44
Mag-ingat dahil maaaring ma-biktima ng mapagsamantala, maging alerto. Pag-isipan ang mga bagay na dapat gawin bago magdesisyon. Taos pusong manalangin para mabigyang liwanag ang isipan.

TAURUS: (April 20-May 20)

 LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Lavender
LUCKY NOS: 12, 19, 23, 40
Huwag ikahiya ang kahirapan kung sa malinis na paraan naman nanggaling ang ihahain sa hapagkainan. Kumilos, magplano, magtiis at magtiyaga, tiyak nasa tamang landas ang kaunlaran.

Gemini (May 21-June 21)


LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 4, 10, 26, 38
May mga kumplikasyong sasalubong sa iyo ngayon. Ngunit kung buo ang loob at hindi magiging emosyunal, matatamo ang tamang solusyon. Lahat ng bagay ay may katapat, nasa sarili ang pagpapasiya.

Cancer (June 22- July 22)

 LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Violet
LUCKY NOS: 11, 18, 21, 41
Pagsisisihan mo kung magpapadala ka sa udyok o hikayat ng iba. Gamitin ang sariling desisyon at kung inaakalang nasa katuwiran, huwag matakot na ipaglaban. Kung may duda, huwag ituloy.

Leo (July 23- August 22)

 LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Peach
LUCKY NOS: 8, 11, 22, 24
Kung may lihim, malamang may makakatuklas. Kung namamangka ka sa dalawang ilog, may bagyong parating. Masarap mabuhay sa katotohanan at walang lihim tinatago.

Virgo (August 23- September 22)

 LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 5, 12, 22, 41
May mga paanyayang matatanggap mula sa mga kaibigan. May bagong makikilala at maaaring humantong ito sa magandang pagkakaibigan o isang magandang relasyon.

Libra (September 23-October 23)

 LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 3, 14, 33, 43
Kung pera ang kulang at magsasabi sa kaibigan o kamag-anak, maaaring maresolba ang problema. Kung pag-ibig ang kulang, huwag maging mapusok dahil kapahamakan ang dulot.

Scorpio (October 24- November 21)

 LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 7, 15, 27, 30
Makisaya ang sadyang pakay, subalit mag-ingat sa mga bibitawang salita dahil magbubunga ng di maganda ang sobrang daldal. Madali kang kainisan dahil iiral ang pagkamayabang.

Sagittarius (November 22 -December 21)

 LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Fuchsia Pink
LUCKY NOS: 22, 29, 32, 42
Lalong magiging masaya ang iyong araw sa mga balita o regalong matatanggap. Malamang may dadalaw na kaibigan o kamag-anak. Magiging masaya ang araw at walang problema sa trabaho.

Capricorn (December 22- January 19)

 LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Indigo
LUCKY NOS: 8, 18, 21, 45
Ngayon ang panahon para baguhin ang mga pagkakamaling nagawa sa buhay. Hindi lamang sarili ang mabibigyan ng kaligayahan kundi pati ang nasaktan mo, kung hihingi ka ng kapatawaran.

Aquarius (January 20- February 18)

 LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 23, 32, 40, 43
Walang kasing saya kung nasa piling ng mga mahal sa buhay. Ang pagkakaisa ng pamilya ay siyang sadyang pakay mo ngayon. Malaki ang pagkakataon na magampanan ang responsibilidad sa pamilya maging ama, ina o anak.

Pisces (February 19- March 20)


LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Garnet Red
LUCKY NOS: 6, 13, 31, 40
Maaaring may suliranin ka subalit sa tawag ng panahon, maaaring makalimutan ito nang pansamantala at makisaya. Huwag tutukan ang problema ngayon, dahil ang kalutasan ay darating sa tamang panahon. Iwasan ang sobrang pag inom.