Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF MARCH 2014

Aries (March 21-April 20)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:  Monday
HI-VIBE DAY:   Thursday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 2, 17, 23, 40
Ang maglibang ay magdudulot ng kaligayahan ngunit iwasan ang labis na gastos. Mahalaga ang magplano sa gustong simulan. Makakatulong ang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin.


Taurus (April 21-May 21)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY:  Thursday
HI-VIBE DAY:  Friday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 18, 27, 36, 40
Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak o mga kaibigan.  Mapagtitibay ang relasyon sa tahanan at kaibigan. Iwasan ang maging mapusok.  Maayos at walang balakid ang takbo ng mga gawain.  Bagong pag-ibig ang makapagpapagulo sa isip at kalooban.

Gemini (May 22-June 21)
LOVE: ***
LUCK: ****
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:  Friday
HI-VIBE DAY:  Tuesday
LUCKY COLOR:  Turquoise Blue
LUCKY NOS: 22, 39, 40, 42
Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig.  Lalo pa’t kung ang makikilala  ay ipinanganak sa ilalim ng Zodiac sign na Aries, tiyak magkakatuluyan.  Sa kabilang banda, isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o manghihiram ng pera. 

Cancer (June 22-July 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:  Wednesday
HI-VIBE DAY:  Sunday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 13, 22, 35, 39
Taglayin ang kahinahunan at pagka-maunawain dahil magiging lapitin ka sa mga taong pikon at mainitin ang ulo. Huwag magpadalus-dalos. Pairalin ang mahabang pasensiya. Iwasan ang mangako.

Leo (July 24-August 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:  Monday
HI-VIBE DAY:   Saturday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 20, 25, 33, 34
Nasa magandang pakiramdam ang katawan upang tapusin ang lahat ng trabaho na nakaatang. Isang tawag mula sa mahal ang makadaragdag ng kaligayahan at kasiyahan. Kaligayahan ang pakiramdam sa pagtulong sa kapwa


Virgo (August 23-September 23)
LOVE: ***
LUCK:  ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:   Thursday
HI-VIBE DAY:   Monday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS:  11, 22, 33, 40
Mag-ingat dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Ang mga kamaliang nagawa ay malamang maulit. May kaunlaran na matatamo kung positibo ang nasa isip.

Libra (September 24-October 23)
LOVE: ***
LUCK:  ****
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:  Tuesday
HI-VIBE DAY:   Saturday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 9, 14, 32, 33
Taglay ang pambihirang talas ng pagi-isip, na mainam na gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ng pansin sa kausap at pakikinggan. Makukumbinsi ang kahit na sino.  Makulit man o makitid ang isip.

Scorpio (October 24-November 22)
LOVE:  ***
LUCK:  ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY:  Monday
HI-VIBE DAY:  Thursday
LUCKY COLOR: Jade Green
LUCKY NOS: 15, 30, 40, 41
Umiwas sa mga taong hindi nararapat lapitan upang hindi masangkot sa anumang problema. Huwag kalilimutan na ang kalusugan ay mahalaga kaya huwag itong ipagwalang bahala.  Ang tampuhan ay hindi dapat patagalin, dapat ayusin agad para hindi lumala.

Sagittarius (November 23-December 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY:  Tuesday
HI-VIBE DAY:   Friday
LUCKY COLOR:  Neon Green
LUCKY NOS: 8,24,34,38
Ang munting suliranin sa minamahal ay hindi dapat dalhin hanggang sa trabaho. Isang lihim ang hindi inaasahang matutuklasan. Iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may pag-aalinlangan.

Capricorn (December 22-January 20)
LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:   Wednesday
HI-VIBE DAY:   Friday
LUCKY COLOR: Sky Blue
LUCKY NOS: 8,19,25,37
Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Ang dapat desisyunan ay pag-isipan muna ang kahihinatnan bago pumalaot. Kung mag-a-apply ng trabaho, sa umaga lakarin at tiyak matatanggap kung tama ang posisyon na kailangan.

Aquarius (January 21-February 19)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:   Monday
HI-VIBE DAY:   Wednesday
LUCKY COLOR: Tangerine
LUCKY NOS: 11, 29, 39, 41

Unti-unting makikilala ka sa larangan na kinabibilangan. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Maging malambing. Sa negosyo, maganda ang kikitain

Pisces (February 20-March 20)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:  Sunday
HI-VIBE DAY:   Thursday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 17, 26, 30, 42
Taglay ang kasiglahan pero madaling mapipikon. Magiging mainitin ang ulo at madaling magalit. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at magpapakumbaba.