Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF MARCH 2013

Aries (March 21-April 20)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Cream
LUCKY NOS: 9, 19, 29, 35
May mga bagay na dapat mong isaalang-alang na kahit alam mo na tama ka ay hindi ka dapat makialam. Ang desisyon ng iba ay dapat mo i-respeto. Harapin ang sariling suliranin dahil may kalutasan kung pagtutuunan ng pansin. Magbibigay ng positibong resulta kung sisimulan kaagad ang binabalak.

Taurus (April 21-May 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Navy Blue
LUCKY NOS: 6, 16, 32, 40
Nasa kondisyon at kasiglahan ka, handang harapin ang anuman. Magiging masayahin na halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na makikita, isa lamang ang dahilan, pag-ibig. Mag-ingat dahil isang kaibigan ang malamang magtraydor o magtaksil.

Gemini (May 22-June 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 19, 22, 29, 39
Ang isang kaibigan na may katungkulan ay may itinatagong lihim sa iyo, dapat itong tuklasin dahil may kaugnayan ito sa iyong buhay. Kung nakikipaglaro ka sa apoy, dapat habang maaga ay iwasan o putulin ito dahil hindi na magiging sikreto. Alam mong hindi ito tama kaya habang maaga ay dapat iwasan o tigilan.

Cancer (June 22-July 23)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Blue Green
LUCKY NOS: 10, 19, 27, 35
Huwag sayangin ang oras na palaging nakatunganga sa buong araw. Kung ang dahilan ay problema sa hindi pagkakaunawaan o pinansyal, hindi mareresulba sa ganitong gawain kung hindi kikilos. Dapat mong alalahanin na hindi lalapit ang grasya sa iyo kung hindi mo ito pagtatrabahuhan.

Leo (July 24-August 22)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 2, 13, 25, 41
Kahit anong gawin kung hindi ka masaya sa ginagawa, palpak ang kalalabasan. Mabuti pang maghanap ng ibang matatrabaho na may saya ang kalooban dahil may magandang kalalabasan. Huwag kang magpaka-martir sa trabaho lalo na kung alam mong hindi ka masaya. Pumili ka ng isang trabaho na mas magging kumportable ka at ire-respeto ka bilang isang mahusay na manggagawa.

Virgo (August 23-September 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Peach
LUCKY NOS: 7, 23, 29, 36
Kung hangad ang mataas na grado, simulan na magsikap sa pag-aaral ng leksiyon. Walang mapapala kung barkada ang laging haharapin. Sa edukasyon at pinag-aralan lamang ang batayan ng magandang kinabukasan at tagumpay. Ugaliin na hindi mahuli sa oras ng pagpasok. Ang oras ay ginto kaya huwag sayangin.

Libra (September 24-October 23)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Purple
LUCKY NOS: 2, 21, 29, 39
Upang hindi magkabuhul-buhol, ayusin ang mga schedules at repasuhin dahil magiging makakalimutin ka ngayon. Huwag mangako dahil tiyak makakalimutan o hindi matutupad. Iwasan na makipag-schedule dahil may hadlang at hindi makakarating o makakadalo.

Scorpio (October 24-November 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Yellow Orange
LUCKY NOS: 3, 10, 33, 43
Totoong nagmamahal ka pero maraming bagay na nakakaligtaan mo tulad ng obligasyon at responsibilidad na iniuukol sa minamahal. Kung nangako ka at may usapan, kahit anong mangyari tuparin mo. Ipakita mo ang pagkamaalalahanin at ipaglaban sa kanya ang iyong karapatan. Hindi sa salita nakikita ang pagmamahal, nasa gawa.

Sagittarius (November 23-December 21)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 1, 11, 22, 44
Mabibigla ka sa sasabihin sa iyo dahil hindi mo sukat akalain na alam na pala ang iyong sikreto. Mahinahon na paliwanag ang kailangan para hindi lumala ang situwasyon. Huwag idaan sa galit ang paliwanag.

Capricorn (December 22-January 20)
LOVE:***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 14, 15, 39, 43
Kung sunud-sunod man ang problemang dinaranas, huwag mawalan ng pag-asa dahil pagsubok ito ng iyong kakayahan at katatagan ng pagkatao. Ngayon ka lumalandas sa daan ng pag-unlad kaya dagdagan ang pasensiya dahil malapit ka nang makarating doon.

Aquarius (January 21-February 19)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 13, 17, 31, 32
Ano man ang iyong mga binabalak, makakabuting pag-aralan muna bago gawin. Hindi sa iba nakasalalay ang iyong tagumpay kundi sa sarili. Kung napag-aralan at nakakatiyak sa resulta ng gagawin, ituloy na buo ang loob at positibo ang pag-iisip.

Pisces (February 20-March 20)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Natural Beige
LUCKY NOS: 3, 6, 30, 41
Ang pagdududa sa iyong minamahal ay huwag basta pag-desisyunan nang walang matibay na ebidensiya. Kung sa tsismis nagmula ang mga balita, hanapan ng paraan na mapatunayan ang sarili. Alalahanin na dalawang bagay lamang ang dala ng tsismis, paninira o totoo.