Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the Month of June 2019

Aries (March 21-April 19)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 6, 9, 12, 16, 38, at 45
Kung anuman ang pansariling binabalak na gawin ay huwag munang ituloy dahil may hadlang at baka hindi ito magtagumpay. Magiging mapayapa ang buhay pag-ibig pati ang takbo ng buhay ay normal.

Taurus: (April 20-May 20)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 1, 8, 10, 29, 37, at 45
Walang ibang makakalutas sa iyong suliranin kundi ikaw. Iwasan ang ugaling mapagpuna sa kapwa dahil babalik ito sa iyo. Iwasan ang mag-alinlangan dahil walang maidudulot na maganda. Sa aspetong pinansyal o buhay pag-ibig, maging mahinahon upang maresolba ang kung anumang darating na problema.

Gemini (May 21-June 21)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 5, 17, 26, 35, 44, at 49
Sa anumang paligsahan, ibuhos mo na ang lahat ng iyong lakas at makakaya dahil panahon lamang ang makapagsasabi kung sino ang magwawagi. Kung anumang pagnanasa ang mararamdaman ilagay ito sa tamang panahon, lugar at oras.

Cancer (June 22- July 22)
LOVE: ***
LUCK:***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Fuchsia
LUCKY NOS: 2, 16, 24, 37, 41 at 48
Ang matagal ng lihim na itinatago sa mahabang panahon ay mabubunyag. Walang dapat ikabahala o hindi ka dapat matakot lalo na kung ikaw ay nasa katwiran o nasa tama. Iwasan ang sobrang pagsasalita upang makaiwas sa mga problema.

Leo (July 23- August 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Cream
LUCKY NOS: 1, 7, 16, 25, 34, at 43
Magsaliksik o magtanong sa nakakaalam, kung hindi tiyak ang gagawin o patutunguhan. Huwag magpadalus-dalos sa pagpirma ng anumang mahalagang papeles. Panindigan ang anumang salita o pangako. Ayusin ang kalusugan at mamuhay ng healthy.

Virgo (August 23- September 22)
LOVE: ***
LUCK:***
MONEY:***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Magenta
LUCKY NOS: 5, 14, 23, 32, 41 at 44
Magiging makakalimutin ka kaya maging maingat bago lumabas ng bahay dahil baka pati mga mahalagang bagay na dapat dalhin ay makalimutan mo. May pangako kang maaaring hindi matupad. Masusing repasuhin ang mga importanteng bagay.

Libra (September 23-October 23)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 6, 9, 24, 33, 38 at 45
May pag-asa kang magtagumpay sa pag-ibig basta ang iyong hangarin ay malinis. May mga bagay na lumihis subalit ito ay manunumbalik sa tamang landas. Iwasan magpatangay sa iyong emosyon lalo pa sa darating na suliranin.

Scorpio (October 24- November 21)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 4, 13, 22, 31, 40 at 48
Makikita mo muli ang iyong dating kaibigan na magiging malaking tulong sa takbo ng iyong buhay. Ang pagiging tahimik ay hindi laging maganda sa paningin ng iba. Iwasan ang di palakibo sa trabaho dahil magbibigay ito ng hindi magandang kahulugan sa mga kasamahan mo.

Sagittarius (November 22 -December 21)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Violet
LUCKY NOS: 3, 18, 23, 28, 39 at 43
Ang inaasahang tulong o salapi na matagal nang hinihintay ay malamang darating. Ang relasyong pampamilya ay magiging matatag at maligaya kung pagsisikapan. Maaaring mabigyan ng solusyon ang matagal nang problema.

Capricorn (December 22- January 19)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 4, 13, 26, 35, 40, at 49
Uunlad ka sa larangan ng negosyo. Matutong pag-ingatan ang anumang pinaghirapan. Umiwas sa mga walang kabuluhang paanyaya at huwag basta-basta makikinig sa sabi-sabi na magdudulot lamang ng padalus-dalos na pagdedesisyon na walang katiyakan ang resulta.

Aquarius (January 20- February 18)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 6, 18, 15, 24, 33, at 4
Mapapanatili ang magandang harmony sa pag-ibig at sa loob ng tahanan kung iiwasan ang selos at usaping pananalapi. Maging laging positibo at balakin ang pagpapaunlad ng negosyo, tahanan at relasyon.

Pisces (February 19- March 20)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Peach
LUCKY NOS: 3, 12, 21, 30, 35 at 49
Maging handa sa mga pagbabagong magaganap sa tungkulin. Magsikap at magtiyaga upang magtagumpay. Sikaping mailagay sa maayos ang naging magulong relasyon. Umiwas sa mga taong naghahatid ng maling balita o usap.