Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF JULY 2016

Aries (Marso 21-April 19)

LOVE: ***

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Friday

LUCKY COLOR: Beige

LUCKY NOS: 6, 17, 19, 28, 37, 45

Walang pinakamabisang paraan upang yumaman kundi ang magtipid at mag-ipon. Sa pag-ibig at pinansyal, huwag magpatangay sa luho ng minamahal, turuan siyang magsinop ng kabuhayan.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Saturday

HI-VIBE DAY: Friday

LUCKY COLOR: Maroon

LUCKY NOS: 9, 18, 27, 33, 46, 49

Pahinga ang kailangan upang hindi tablan ng karamdaman. Aanhin ang maraming salapi kung magkakasakit ka naman? Panatilihing aktibo ang buhay pag-ibig dahil ito ang iyong bitamina upang lumakas.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Wednesday

HI-VIBE DAY: Sunday

LUCKY COLOR: Blue

LUCKY NOS: 5, 11, 25, 32, 41, 49

May paglalakbay na mabubuksan. Ang paglayo sa sariling bayan ang maghahatid sa malaking pag-unlad. Sa pag-ibig, magiging magkalayo man kayo ay hindi ito dapat maging hadlang upang lumamlam ang pag-ibig ninyo sa isa’t isa. Maging matatag.

Cancer (June 22-July 22)

LOVE: ***

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Sunday

HI-VIBE DAY: Thursday

LUCKY COLOR: Green

LUCKY NOS: 2, 11, 18, 28, 43, 45

Kung ikaw ay nasanay sa salitang “pwede na,” hindi ito uubra kung gusto mong maging matagumpay. Dapat ibigay mo ang iyong “best” upang umunlad sa buhay. Sa pag-ibig, magiging maayos ang pagsasamahan lalo pa’t kung kayo ay magbibigayan. Ang munting tampuhan ay hindi na dapat pinapatagal.

Leo (July 23-August 22)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Monday

HI-VIBE DAY: Saturday

LUCKY COLOR: Yellow

LUCKY NOS: 1, 7, 28, 33, 45, 48

Lakas ng loob ang susi upang magtagumpay. Sa pag-ibig at aspetong pampinasyal ay dapat kang tularan dahil hindi ka natatakot sa anumang hamon ng buhay. Magsimula ka na ngayon sumugod nang sumugod hanggang magtagumpay.

Virgo (August 23-September 22)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Wednesday

LUCKY COLOR: Green

LUCKY NOS: 7, 15, 23, 42, 44, 49

Hindi kailangang maging perpekto ang lahat ng bagay. Gawing simple ang nasimulan at tapusin agad. Sa pag-ibig, huwag maging mapaghanap, wala namang taong perpekto, kahit nga ikaw ay may kapintasan din.

Libra (September 23-October 23)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Sunday

HI-VIBE DAY: Thursday

LUCKY COLOR: Red

LUCKY NOS: 3, 14, 27, 33, 38, 47

Ang pakikisawsaw sa problema ng iba ay hindi maganda. Kung ayaw mong madamay ay mas makakabuting tumahimik ka na lamang at baka maging mitsa pa ito ng mas malaking problema at ikaw pa ang malagay sa gitna ng alanganin. Magiging maganda ang usaping pag-ibig. Kung ikaw man ay pinag-uusapan ay dahil sa ikaw ay napapansin.

Scorpio (October 24-November 21)

LOVE: ***

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Monday

HI-VIBE DAY: Thursday

LUCKY COLOR: Orange

LUCKY NOS: 3, 12, 21, 35, 39, 48

Hindi ka dapat matukso sa tawag ng salapi. Alam mong hindi tama ang mangupit ng bagay na hindi sa iyo. Sa buhay pag-ibig, kung medyo nakakalimutan ang mahal dahil sa ikaw ay busy nitong mga nakaraang linggo ay punan ang pagkukulang. Bigyan ng panahon ang minamahal.

Sagittarius (November 22-December 21)

LOVE: ***

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Sunday

HI-VIBE DAY: Tuesday

LUCKY COLOR: White

LUCKY NOS: 4, 13, 22, 31, 40, 49

Ikaw ay likas na mapagparaya at mapagpasensiya hindi lamang sa mga kaibigan kundi sa iyong minamahal. Kaya naman ang iyong buhay pag-ibig ay walang problema at maging social life ay maayos ang takbo.

Capricorn (December 22-January 19)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Thursday

HI-VIBE DAY: Monday

LUCKY COLOR: Brown

LUCKY NOS: 9, 17, 28, 33, 43, 45

Bagong lipunan, bagong mundo at mga bagong kaibigan ang kailangan upang lumago ang kabuhayan.

Aquarius (January 20-February 18)

LOVE: **

LUCK: ***

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Wednesday

HI-VIBE DAY: Tuesday

LUCKY COLOR: Red

LUCKY NOS: 7, 19, 28, 37, 41, 45

Upang hindi sumama ang loob, huwag maghintay ng kapalit sa mga naitulong mo sa iba. Ang paggawa ng kabutihan ay ginagantihan hindi ng kapwa mo tao, kundi ng tadhana. Laging panaigin ang pagiging mabuti upang bumuti rin ang kapalaran.

Pisces (February 19-March 20)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Saturday

LUCKY COLOR: Silver

LUCKY NOS: 7, 14, 23, 32, 41, 49

Huwag kainipan ang pagdating ng swerte. Sa pangingibang-bansa, kusa kang uunlad. Sa pag-ibig, makakatagpo ka ng tunay na mamahalin at magbibigay-swerte sa buhay.