Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF JANUARY 2016

By Madam Airies 

Masaya at mainit na taon ang 2016, ang Year of the Monkey. Dahil ang monkey ang ika-siyam sa 12 Chinese Zodiac. Ang numerong 9 ay sumisimbolo sa katalinuhan, mapaglikha at maraming plano, pangarap at simulain. Dahil ang monkey ay isa sa animal na witty, smart at madaling turuan, maraming pagkakataon na magpapaunlad sa taong ito sa larangan ng komunikasyon. Iwasan lang ang masyadong pagtitiwala sa hindi pa naman nakikilala ng lubos dahil may pagkatuso rin ang taon.

Mga Trabaho na Patok sa Taon ng Monkey: Counselor, English Teacher, Stock Broker, Town Planner, Nursery Teacher at Ticketting

Lucky Color: Red, Purple, Orange Yellow, Green

Lucky Display: Banana, Beans, Grass

Ranking Year For Monkey’s Compatible: Rat, Dragon

Less Compatible: Dog, Ram, Monkey, Rabbit, Horse, Ox

Least Compatible: Snake,Tiger, Pig and Rooster

Lucky Direction: West, South, Southwest.

Lucky Number: 9, 16, 7, 23, 54

Rat

Kung hindi naging maganda ang sunod sunod na dalawang taon sa Rat , Maasahan naman na sa Taong 2016 year of the Monkey. Aani sya ng maraming biyaya magmumula sa taong ito, kaya’t magandang magsimula muli sa mga hindi na tapos na plano o hindi nagkaroon ng magandang resulta sa dalawang taon nagdaan.

Maganda rin na sa Taong ito maghanap ng kabiyak o magpakasal . Sa mangingimbansa naman napakabuti rin panahon ito. Ingatan lamang ang kalusugan dahil sa Hectic na Schedule na papasukin sa taon. kaya’t magandang mag suot ng makukulay na kasuotan upang mapanatili ang Enerhiya sa Isipan at katawan.

Sa Financial magandang mag umpisa sa pag iipon mula sa maliit hanggang mapalago ito. Increasing Abundance. Maganda rin tumaya sa mga Lottery or Pagbili ng Sweepstakes may tsansang manalo sa Raffle.

Ox

Babawi ang taon mo sa 2016, Marami kang aanihin sa taong ito, may mga taong makakatulong sa’yo sa pag-akyat mo sa mga plano mo sa iyong bagong trabaho o haharaping responsibilidad, kung maraming nawala sa’yo o naranasang kabiguan sa nagdaang 2014 at 2015, Sa taong 2016 ay babawi ka kasama ng iyong mga natutunan sa dalawang taong nagdaan. Pakisamahan ang mga taong nakakaedad sa’yo sa trabaho man o sa pakikipagkaibigan dahil sila ang magbibigay saiyo ng mahahalagang impormasyon na magagamit mo sa iyong adhikain. Ang mga nakakabata naman saiyo ang magbibigay na mga bagong daan upang ma refresh ang nakulta mong isipan.

Magkakaroon karin ng panibagong pag-ibig sa taong ito, wag lang pabigla-bigla sa pagpasok na masalimuot na buhay pag-aaswa dahil hindi ganon kataas ang Enerhiya ng Suwerte mo. Sa katapusan ng taon makikita mo lahat ang mga magagandang resuta na dulot ng taong 2016. Mag uumpisa ito sa September, Kaya Grab your opportunity.

Tiger

Maging maingat sa papasok na taon, dahil sa hindi ganon magkahawig ang pananaw ng Monkey at Tiger sa pakikipagsapalaran sa anuman antas ng pamumuhay o pakikipagsapalaran, Kaya’t mas makakabuti na pakaisipin munang mabuti ang mga gagawin sa taong ito bago magdesisyon. May mga tendency na mabigo ang bawat bagay na gagawin lalo na sa pagpapalit ng trabaho, pakikipagrelasyon, paghihiwalay at pagbibitaw ng puhunan o salapi. Mas makakabuting magrelax nalang muna bago gawin ang mga balak sa mga bagay na nabanggit bago magdesisyon.

Sa mga pinanganak na tiger 1986 magandang mag papabasbas sa Mga pari o obispo upang magkaroon ng pananggalang sa mga kakasabaking hirap sa Taon or Difficult Trials, Maganda ring mag ehersisyo palagi, kagaya ngYoga, Gym or paglalakad sa Umaga upang magkaroon ng panibagong Enerhiya sa Katawan.

Magkaroon ng tamang schedule sa trabaho at Pribadong buhay or Lovelife, Mag focus din sa mga panibagong obligasyon sa trabaho upang lalong mapagyaman ito iwasan ang pakikipag chismisan dahil marami ka ngayong makaharap na taong tuso at magpapahamak sa’yo, Matutong makibagay, Sa pag-ibig wag masyadong mag expect, hindi panahon ito sa salapi magkaroon ng pagbabadget upang hindi magkaroon ng financial crisis at sa pakikipag salamuha sa tao panatilihin ang friendly look, Cheer-up & Have a Strong & Positive Way Of Thinking. Upang malampasan ang taon ng hindi ka na minus

Rabbit

Magandang magsimula sa taong 2016 year ng Red Monkey ang pakikipag kominikasyon sa iba’t ibang Samahan o Katrabaho. Kung ang ugaling mahiyain at nangingilala muna bago makipag-usap sa iba, Mas magandang iwasan ang ugaling ito at pag-aralan ang mas open na pakikisama sa lahat sa pagkat sa taong ito malaking chance ang makikilala ang mga taong mas makakabagay sa’yong pananaw sa buhay at magbibigay sa’yo ng panibagong idea, sa trabaho mong tinatahak at binabalak pang mga projects sa darating na panahon. Sa pag-ibig may posibilidad ng pagiging sa lawahan paka-isiping mabuti upang di ka magkamali sa pagpili lalo na sa lalaking rabbit. Sa kalusugan ingatan ang masyadong magpagod, pulmonary, infection, backpain at mabilis na paglabo ng paningin. Sa salapi maganda rin pag-aralan ang kumita ng salapi sa pamamagitan ng side business like real estate, broker at marketing yung hindi kailangan ng puhunan. Iwasan din ang masyadong matampuhin sa taon dahil ito ang magdudulot ng mawalan ng gana sa pakikisalamuha sa kapwa. Sa mga dati naman kakilala mabuting ipagpatuloy ang pakikipag kominikasyon sa kanila. Sa katapusan ng taon mabuting gumawa ng mga bagay na makapag papasaya sayong sarili, lugar na makakatulong na mapagpapataas ng iyong Enerhiya upang mapaghandaan ang darating na susunod na taon ng 2017, Big Challenge Year for you.

Be More Artistic & Alive ,Wear ng pendant ng Dog.

Dragon

 Kung sa nakaraang taon ng 2015 ay naging emotinal sa’yo ang mga bagay bagay lalo na sa larangan ng relasyon sa pag-ibig. Mas maganda naman matutunan mo sa taong 2016 ng Red Monkey ang pag handle ng obligasyon at responsibilidad. Dahil ito ang iyong tsansa na maging matatag sa lahat ng iyong kakaharaping gawain sa Pamilya man o trabaho at lalo na sa larangan ng pagkita ng salapi. Kung natapos man ang iyong kontrata sa trabaho madali naman na makakuha ng panibago nito kaya iwasan ang pag-iisip ng malalim at negatibo, bagkus pilitin makahanap agad ng papasukan. Iwasan rin ang ugaling pagmumukmok. Sa pag-ibig may nga parating na mamagandang pagkikilala nakakaharapin sa Abril na magbibigay ng panibagong inspirasyon, Iwasan na lamang isipin ang naging malungkot na karanasan dulot nito. Dahil ang dragon ay may pangbihirang lakas sa paghatak ng Suwerte sa buhay maganda rin sa kanya ang dumulog sa mga taong matataas ang ideya sa pagpapabago ng sitwasyon adviser sa financial at business idea. Mas magandang mapag-aralan ito upang mas madali mailalabas ang power sa paghatak ng suwerte sa taon. Personal Growth & be a Business minded for this year, be more open minded.

Snake

 Iwasan ang masyadong mapaghanap o pagiging strict sa mga kasamahan o kapareha sa taong 2016, Maaaring ito ang maging dahilan ng pagkawala ng pagmamahal o magandang relasyon mo sa kanila. matutong makinig sa mga mungkahi nila at iwasan ang pagkontra dito .Sa pag-ibig maaaring makaranas ng panlilinlang dulot sa kawalan ng oras sa kabiyak magandang mabigay ng oras sa pamilya o kasintahan. Sa salapi may mga di inaasahang papasok na salapi sa buwan ng Mayo at Hunyo. Makakabuting itabi ito upang may magamit sa mga di inaasahang gastusin sa darating na hunyo hanggang setyembre. May pag-asa rin makapag-abroad sa taong ito ingatan lamang ang mga pipirmahang papeles pakasuriin mabuti. Sa kalusugan ingatan ang madalas na pagpupuyat upang maiwasan ang sakit na highblood at insomnia. Magkaroon ng regular health check upang maiwasan ang stroke . Kumain ng mga gulay at prutas mag exercise kung may oras . Check Your Health & relationship.

Horse

Iwasan ang sugod ng sugod sa taong 2016 Year of the Fire Monkey dahil iyan ang magiging dahilan ng kawalan mo ng kalayaan at kakayanan na magdudulot ng kawalan ng kompiyansa sa sarili. dahil ang taon ng 2016 ay katalinuhan, pagsisimula mas magandang mapag-aralan muna ng Horse ang gusto nyang destinasyon bago sya pumasok sa kanyang mga plano. May mga iba’t ibang offer na matatanggap sa pagbukas ng taon, may tsansa rin na ma promote sa posisyon kayat makakabuting pag-aralan mabuti ang mga dumarating na gawain sa ngayon. Maganda ang pagsulong ng taong ito para sa’yo. Makakapag relax din sa mga taong makikilala at makahalubilo lalo na sa mga buwan ng Marso . May mga taong maiimpluwensyang na makikilala sa buwan ng Hulyo namagbibigay ng tapang at tiwala sa sarili. Sa mga activities na kakaharapin buong puso isagawa ito. Sa lovelife wala naman masyadong mararamdaman stress dito iwasan lang din ang pagiging seloso o selosa at matampuhin. Sa salapi iwasan ang pagiging Extravagant dahil maraming mga taong sasandal sayo at matuturuan mong maging tuso . Ingat sa paglabas ng salapi.

 

Sa pang kalahatan ng taon Maraming aanihin sa taon ito mula sa pagtaas ng antas ng pinag-araln, posisyon sa trabaho at magandang karelasyon sa pag-ibig. Enjoy

Sheep

Mas marami kang pagtutuunan pansin para sa Pamilya sa darating na 2016 Red Monkey. Sa mga Activities na lalahukan o mga grupong kasamahan marami sa kanila ang hihingi ng ideya mo o mungkahi mo sa mga kaganapan. Maaring makatulong ka dito kaya mabuting tumulong sa igaganda, Maramika paring lalahukan at makikilala at mga panibagong challenge for your personal grow mabuting I-challenge ang sarili. Sa trabaho may mga uumpisahan kang proyekto na naudlot sa mga nakaraang taon 2016 ito muli ang mgandang taon upang I-review ang mga planong ito at unti unting isagawa isa isa. Sa buhay pag-aasawa mas magandang ilabas ang pagiging malambing at mahinahon pakikipag-usap sa kabiyak, gayun din sa mga mag nobyo at nobya, Dahil dito muli ang pag usbong ng mas mainit na pag-ibig sa inyong dalawa. Sa salapi mabuting kahit paunti unti matutunan ang pag papalago nito sa mga stocks, malilit na investment o pagpapalago ng kinikita. Sa health iwasan ang masyadong malalim na pag-iisip at pagsisikil sa damdamin dito ang mabilis mong panghihina. Magkaroon ng time of meditation paggising sa umaga. Maganda ring kumain ng mga pagkain mapupula ang kulay para sa stamina & energy grow. Keep Calm & Relax

Monkey

 Dahil sa taon mo ito 2016 Year of The Red Monkey mas makabubuting mag suot ng inner shirt na Red upang maiwasan ang pagkakasakit ng malalim at biglaang disgrasya. Sa unang pasok ng taon Feb. to June magiging maayos ang lahat, Kaya’t wag masyadong mabahala sa mga gawain o pakikisama sa trabaho mas magandang matutunan ang maging ismarte sa pag kilos at iwasan ang pagiging iritado kung hindi man agad matapos ang lahat ng gawain. Marami ang nagbalak sa nakaraang taon ng pagpapalit ng trabaho kung hindi man nila nagawa o hindi nagkaroon ng magandang chansa may posibilidad na makuha nila itong gawin ngayon na maganda rin ang resulta.

Sa mga nag hahanap naman ng panibagong pag-ibig o ka partner sa buhay sa kalagitnaan ng taon any may chansang makilala nila ito sa mga pagtitipon at kasayahan. Magandang pagkikilala na maaaring magandang daan tungo sa paglagay sa tahimik. kaya’t magandang lumabas labas kaysa mag mukmok sa loob ng silid. Sa salapi maganda ring humanap ng panibagong mapagkakakitaan gaya ng pagtuturo . pag mamarket etc. Kikita kayo ng malaki dito. Sa kalusugan mas magandang mailabas ang mga saloobin upang mas mapagaan ang iyong mga iniisip at magawa ng maayos ang iyong mga gawain. Meet More People On Your Community This Year.

Rooster

Sa mga nagdaang Taon marami ka ng napatunayan sa iyong kakayanan, Sa 2016 Year of The Red Monkey

makakabuting I-review ang mga nagawang ito, at ipagpatuloy ang nakikita mong kailangan pang pagsumikapang ayusin at palaguin. Sa taon din ito ang Big Challenge sayo upang mailabas ang iyong malaking kakayanan at abilidad. Maganda ring chansa ito upang mag-aral muli, kumuha ng lisensya at certificate upang tumaas ang iyong degree kung kinakailangan, Sa buwan ng mga Abril may mga damdaming pupuno sayo daan sa seryosong relasyon, gamitin rin ang ideya dito hindi purosdamdamin lang upang maging matagumpay. Sa salapi ingatan ang paglabas dahil hindi madali para sayo ang makapag-ipon sa taong ito. Be smart to spend your financial. Sa kalusugan mas pamihasain ang paggising ng maaga at kumain ng masusustansyang pagkain, iwasan ang ma cholesterol na pagkain at matatamis. Have a descipline & control of eating foods.

Dog

Maraming mga challenging roll ang kakaharapin ng Dog sa taong 2016 Year Of The Red Monkey. Sa Unang pag apat na buwan ng pagpasok ng taon malalaking gastusin ang kakaharapin. Feb. to May kaya’t magkaroon ng palagiaang record o pagsusulat ng mga gastusin upang hindi makaranas ng Krisis. Tulad ng nakaraang taon marami paring mga dadaluhang pagtitipon mga panibagong organisasyon, Huwag ipapasubo ang sarili kung alam mong malalagay ka sa alanganin. Huwag pahirapan ang sarili sa hindi kayang gampanan. Sa pag-ibig makakaranas ka ng saya sa relasyong papasukin kumpara sa nagdaang taon. Sa salapi huwag magdagdadag ng babayarin iwasan rin ang mga paggamit ng credit cards & cheques. Pag-isipan din ang mga binibili upang hindi masayang ang iyong pinaghihirapan. Sa trabaho o negosyo pag-aralan pa ang iyong strategy & tatics. Sa kalusugan huwag magpatalo sa emosyon maging masipag sa pag eexercise at paglalakad sa umaga. Maganda ring makinig ng mga music meditation upang mapanatili ang pagiging positibo sa lahat ng gawain. Organized your sched & monthly expenses.

Pig

Magandang ipagpatuloy ang mga nasimulan na, Sa Taong 2016 Year of The Red Monkey mas lalawak ang kaalaman ng Pig mas marami syang matutunan sa taong ito lalo na sa larangan ng pakikisama sa ibat-ibang klase ng taong kanyang kinakaharap, dahil nga sa pagiging mahiligin sa pagnenegosyo magiging maganda ang galaw ng kanyang income sa taong ito. Sa mga may pamilya maganda ring magkaroon o mag plano ng Family business sa Taon. Tungkol naman sa relasyon o pagpapamilya, maganda rin ang taong ito para sa pagbubuntis, lalo na sa mga buwan ng setyembre, Sa kalusugan magkaroon ng tamang diet at iwasan ang upo ng upo upang maiwasan ang pamamanas ng mga hita at binti at mag exercise upang maiwasan ang pagbilis na pagtaba at sakit na rayuma at highblood. Sa salapi magiging magagaan ang pagpasok nito kayat matutong mag-ipon. Sa pangkahalatan magiging maganda ang taong ito sa inyo kung maghahangad o magpaplano ng ika iimprove ng inyong Financial & Healthcare.