Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the Month of February 2019

Aries (March 21-April 19)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Yellow at Green
LUCKY NOS: 8, 10, 28, 32, 35 at 43
Huwag maging magastos sa mga bagay na di naman kailangan. Panahon na para magtipid. Kung ang hangad ay tagumpay, kailangan buo ang loob at hindi aatras sa lahat ng mga pagsubok na daating sa buhay. Anuman ang mangyari ituloy lang ang mga binabalak.

TAURUS: (April 20-May 20)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: White at Blue
LUCKY NOS: 5, 9, 23, 32, 41 at 47
Magtipid at huwag basta gastos ng gastos ng walang kapararakan. Magtira para sa kinabukasan. Huwag umasa sa kusang darating ang suwerte. Matatamo ang hinahangad kung pagsisikapan. Implementasyon ang kailangan para makamit ang tagumpay. Iwasan ang magpadalus-dalos kung hindi nakakatiyak sa kahihinatnan.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Pink at Green
LUCKY NOS: 7, 16, 25, 36, 42 at 49
Kung kaunlaran sa mabuting paraan ang binabalak, ituloy dahil magtatagumpay. Umiwas sa mga kumplikadong transakyon. Kung ang binabalak ay panlalamang sa kapwa, mabibigo ka lang at pagsisisihan mo. Kung magpapautang, siguraduhing masingil agad para tiyak na mabayaran.

Cancer (June 22- July 22)

 LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Black at Green
LUCKY NOS: 4, 13, 28, 37, 39 at 44
Sa pagpasok ng taong 2019, huwag pairalin ang pagiging masyadong maawain dahil dito nagte-take advantage ang gustong manloko sa’yo. Utak ang gamitin para mas maging maunlad. Walang katiyakan ang takbo ng panahon. Maaaring may maganao na maganda o di kaya hindi maganda. Maging alerto sa paligid at laging magdasal.

Leo (July 23- August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Yellow at Violet
LUCKY NOS: 2, 9, 20, 29, 31 at 49
Maging maingat sa mga transakyon na papasukin. Tiyakin muna ang lahat bago magtiwala. Ang lahat ng masasamang elemento ay nasa kapaligiran lamang at kung hindi magiging alerto, may posibilidad na ikaw ay mabibiktima.

Virgo (August 23- September 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Purple at Magenta
LUCKY NOS: 4, 10, 12, 24, 46 at 63
Iwasang makisawsaw o makialam sa gawain ng iba. Ang sariling proyekto ang atupagin upang mas madaling umunlad. Maaaring magbago ang mga plano. Kung tiyak na ang pagbabagong gagawin, lalong makakabuting ituloy. Kung may pag-aalinlangan at hindi tiyak ang gagawin, ikunsulta sa mas higit na nakakaalam.

Libra (September 23-October 23)

 LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Green at Yellow
LUCKY NOS: 2, 17, 25, 34, 41 at 43
May kasabihang, kapag nag-impok ay may madurukot. Mag-ipon para sa kinabukasan ng iyong pamilya. Sa pag-ibig, i-sacrifice ang sariling kaligayahan alang-alang sa iyong mahal. May mga bagay na makapagpapalito sa’yo. Kung magkataon, bigyan ng sapat na panahon para makapag-isip ng tamang solusyon. Iwasan ang magpadalus-dalos para hindi magsisi.

Scorpio (October 24- November 21)

 LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Beige at Purple
LUCKY NOS: 9, 18, 23, 27, 45 at 48
Huwag laging magtago sa likod. Dapat mone i-expose ang sarili para ikaw ay madaling umunlad. Iwasan ang pagiging mahiyain. Alam ng lahat kung gaano kagipit ang ekonomiya ng bansa at kung ikaw ay makikisayaw sa tugtugin, magiging gipit ka rin. Sariling sikap ang kailangan. Kung magsisimula ng munting negosyo, tiyak uunlad.

Sagittarius (November 22 -December 21)

 LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Pink at Silver
LUCKY NOS: 6, 15, 24, 36, 42 at 47
Sundin ang sinasabi ng damdamin at intuition sa pag-ibig, ihahatid ka ng iyong emosyon sa isang maligayang relasyon. Sa pinansiyal, haluan ng pagmamahal at lambing ang produktong may kaugnayan sa pagkain. Ang inggit ay sadyang meron ang bawat nilalang. Kung ano ang iyong pagkainggit, maging batayan sana ito ng iyong pagsisikap para umunlad.

Capricorn (December 22- January 19)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Purple at Lilac
LUCKY NOS: 5, 8, 27, 35, 42 at 48
Ituloy ang kasalukuyang hanap-buhay at dagdagan pa ang pagsisipag. Ang tawag ng tagumpay ay malapit mo nang makamtan. Walang masama kung alamin muna ang mga bagay bago magdesisyon lalo na kung sariling kapakanan ang nakataya.

Aquarius (January 20- February 18)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Silver at Yellow
LUCKY NOS: 4, 10, 19, 25, 27, 43 at 45
Kilalanin ang tunay na kaibigan. Layuan ang mga kaibigang inuuto at binobola ka lang. Matutong mamuhay nang hindi na nakasandal sa ibang tao ang kaligayahan. Kung dumanas man ng hirap sa pagsisikap para sa sarili at pamilya, hikahos ka pa rin.

Pisces (February 19- March 20)


LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Red at Blue
LUCKY NOS: 3, 13, 22, 36, 41 at 48
Dagdagan ang pagsisipag at pagsisikap. Dahil sa panahong ito, tuloy-tuloy nang aangat ang kabuhayan patungo sa tiyak na pagyaman. Wala kang magiging problema ngayon, ngunit may kakaharapin kang suliranin sa darating na mga araw, na dapat paghandaan. Kung ang problema ay tungkol sa pinansiyal, dapat paghandaan na ito.