Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF FEBRUARY 2013

Aries (March 21-April 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 3, 5, 38, 41
Magiging masaya ang susunod na mga araw sa buwang ito pero nakakalungkot na ngayon ay matamlay dahil sa kakapusan o suliranin. Maging maunawain at makikita ang pagpapahalaga ng minamahal sa mga bagay na mahalaga sa iyo. Ang tunay na pag-ibig ay nakikita sa gawa hindi sa puro salita.

Taurus (April 21-May 21)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Red Orange
LUCKY NOS: 2, 9, 35, 42
Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaramdam ang mga bagay na sinasabi sa iyo. Umaksiyon, huwag pahintulutang manatili sa dibdib ang kinikimkim na sama ng loob. Ipaglaban ang kapakanan. Maging tapat sa tunay na damdamin at sa kapwa.

Gemini (May 22-June 21)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 8, 14, 34, 40
Para maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob kahit labag sa damdamin, pagbigyan ang kahilingan ng nakakarami. Sa pag-ibig, makakarating sa kaalaman ng pareha o kasintahan ang pakikipagrelasyon sa iba kung ito ay ginawa. May paliwanag kang hindi maiwasang gawain.

Cancer (June 22-July 23)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Purple
LUCKY NOS: 15, 20, 26, 37
Isiping mabuti ang mga dapat gawain na hakbang bago kumilos para maiwasan na magsisi. Lalong makakasama sa binabalak ang mga desisyon na hindi pinag-iisipang mabuti. Pag-isipan ang kalalabasan ng gawain kung magbubunga ng mabuti o makakasama sa sarili at sa kapwa.

Leo (July 24-August 22)
LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Sky Blue
LUCKY NOS: 11, 19, 25, 37
Kung may problema dahil sa pangangailangan ngayon makikilala ang tunay na mga kaibigan. Ngayon mo makikita kung sino ang hindi makakatulong sa iyo.

Virgo (August 23-September 23)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Fuchsia Pink
LUCKY NOS: 19, 28, 36, 39
Mag-ingat sa pagsasalita nang hindi mapahiya sa kapwa. Huwag damdamin ang pangyayari dahil makakabawi ka sa ibang paraan. Mag-ingat ngayon dahil magiging malapit sa iyo ang manakawan o ma-hold-up.

Libra (September 24-October 23)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Navy Blue
LUCKY NOS: 9, 25, 29, 36
Iwasan ang pagka-agresibo, dahil sa halip na mapalapit ang kalooban ng minamahal ay mawawalan ng tiwala sa iyo. Kung magiging mapusok, daranasin ang kapahamakan. Matutong tumanggap ng kabiguan.

Scorpio (October 24-November 22)
LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Turquoise Blue
LUCKY NOS: 17, 24, 31, 38
Kaya masaya ang minamahal ay dahil sa naging mapagparaya at hindi ka naging makasarili. Ang maging maalalahanin ay may ganting pagmamahal. Kung naging makasarili ka noon, ngayon dapat baguhin bago maging huli ang lahat.

Sagittarius (November 23-December 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 1, 2, 29, 37
Huwag mainis kung maging makulit ang mga taong nakapaligid dahil sadyang malapit ka ngayon sa mga ito. Nais lang nilang may patutunguhan na maganda ang iyong pinaghirapan. Huwag maging waldas sa pera sa walang kabuluhang bagay.

Capricorn (December 22-January 20)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: White
LUCKY NOS: 14, 25, 28, 33
Palipasin sa kabilang tenga ang maririnig. Huwag patulan ang naghahanap ng gulo. Mapapatunayan na ang maunawain ay hahangaan ng kapwa. Makakagawa ng isang bagay na hahangaan ng marami.

Aquarius (January 21-February 19)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 2, 12, 33, 41
Sa bawat araw na nagdaan, makakaramdam ka ng pagkainip at pagkainis sa sarili dahil parang walang nangyari. Ito ang tamang panahon para isakatuparan ang matagal nang binabalak. Kung nag-a-apply, lakarin dahil may pag-asa.

Pisces (February 20-March 20)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Charcoal Gray
LUCKY NOS: 15, 18, 29, 37
Problema sa pag-ibig ang magdadala ng tamlay. Kung hindi mapaglalabanan, hahantong sa isipan na sisirain ang sarili. Huwag mag-alala dahil sadyang hindi siya bagay sa iyo at pagsisihan mo kung kayo ang magkakatuluyan. May sadyang nakalaan na maging iyong kapares.