Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the Month of December 2019

Aries (March 21-April 19)
Taurus (April 20-May 20)
Gemini (May 21-June 21)
Cancer (June 22- July 22)
Leo (July 23- August 22)
Virgo (August 23- September 22)
Aries (March 21-April 19)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY:  Saturday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Purple
LUCKY NOS: 7, 12, 18, 30
 Magandang impormasyon ang matatanggap tungkol sa matagal ng gustong malaman. Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal o sa salita, bagkus, ito ay makikita sa kilos at gawa. Huwag pagkaabalahan ang mga taong nagsasabing ikaw ay nangangarap nang gising. May karapatan kang gamitin ang iyong imahinasyon. Iwasan ang magpaapekto sa kritisismo.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 8, 13,25,34
Hindi lahat ng desisyon mo ay tama. Bago mag-desisyon, alamin munang mabuti kung ang tinatahak mong landas ay tama para hindi ka maligaw.  Isang bagong pag-ibig ang sisibol. Ang negosyo ay magiging matumal subalit makakabawi sa darating na panahon.  Maaaring makaramdam ng panghihina dahil sa mga isyung pinagdaanan.  Mag-relax at hayaan  ang ibang tao ang kumilos para sa iyo.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:  Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 6, 11, 14, 28
Kung may hinihintay, huwag asahang darating ito. Para maging maayos ang kalusugan, iwasan ang uminit ang ulo.  Ingatan ang kalusugan.  Ang mga kaibigan ay madaling malapitan at maaasahan ng tulong. Kung may problema at nahihirapan kang iresolba, ibahin ang diskarte at makikita mong kaya mo pala. Buksan ang isip sa mga pagbabago.

Cancer (June 22- July 22)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY:  Sunday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Gray
LUCKY NOS: 3, 17, 32, 41
Masama ang mangyayari dahil may mga taong sasalungat sa iyong mga binabalak. Gamitin ang mabilis na pag-iisip, lakas ng kamalayan at prinsipyo para ito ay mapaglabanan. Huwag pakinggan ang mga negatibong pananaw ng mga tao sa paligid mo. Kontrahin ang mga negatibo at patunayan sa kanila na mali sila.

Leo (July 23- August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY:  Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 4, 13, 21, 28
Ang mag-ingat ay dapat na laging isaisip lalo na sa gawain. Huwag ng lumayo ng tingin dahil ang hinahanap ay nasa paligid o nasa harapan na. Inaayunan ng panahon ang pagne-negosyo.  May kailangan kang patawarin. Forgive and forget na lamang para maumpisahan ang pagmo-move on.

Virgo (August 23- September 22)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Lavender
LUCKY NOS: 2, 13, 23, 33
Ang hindi inaasahan na mangyari ay magbibigay sigla sa pag-ibig o sa trabaho. Huwag mangako dahil baka hindi ito matupad. Kung ano ang magaganap, panatilihin ang kahinahunan. Sa gitna ng napakaraming alalahanin, kailangan mong mag-relax. May isa o dalawang aktibidad na kailangan mo munang ipagpa­liban o kanselahin. Isipin ang kalusugan.

Libra (September 23-October 23)
Scorpio (October 24- November 21)
Sagittarius (November 22 -December 21)
Capricorn (December 22- January 19)
Aquarius (January 20- February 18)
Pisces (February 19- March 20)
Libra (September 23-October 23)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY:  Sunday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Moss Green
LUCKY NOS: 4, 13, 24, 35
Maging positibo. Kahit ano ang gawin, maging matatag at tagumpay ang matatamo.  Maaaring magkaroon ng isyu sa aspeto ng pananalapi. Tiyaking wala kang maaaksayang pera kaya ingatan ang paggastos sa mga araw na darating.

Scorpio (October 24- November 21)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:  Tuesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 11, 22, 32, 41
Ginto ang panahon kaya dapat kumilos kaagad at isagawa ang nasa isip. Tinatamad ka man ay matutuwa ka kung makikita mong natapos ang mga gawain. May ilang mga bagay na dapat isa-ayos at may perang involve dito. May darating na isang indibiduwal (kung ikaw ay single) na iyong pinagi-interesan. Ito na ang tamang pagkakataon para ipahiwatig ang iyong damdamin.

Sagittarius (November 22 -December 21)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Mint Green
LUCKY NOS:4, 7, 16, 32
Matatapos ng maayos ang mga gawaing sinimulan. Huwag kaagad magbigay ng reaksyon sa mangyayari. Makakabuting pag-aralan muna ang isang bagay bago magkumento. Kung inaakala mong kilalang-kilala mo na ang isang partikular na indibiduwal, ngayon mo mapapatunayang mali ang iyong pag-aakala. Dapat kang mag-ingat.

Capricorn (December 22- January 19)

Tab ContentLOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY:  Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 8, 17, 23, 35
Umiwas muna sa paanyaya ng mga kaibigan. Kailangan ang disiplina sa sarili upang makamit ang minimithi. Iwasan ang magpadalus-dalos sa pagpapasya. Magkakaroon ng pagkakataon na maangat ang hirap na kalagayan sa negosyo. 

Aquarius (January 20- February 18)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:  Friday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR:
LUCKY NOS: 8, 15, 19, 30
Kung marunong magpahalaga sa tungkulin, may kaunlaran, na dapat simulan gawin ngayon. Malulutas ang matagal ng gumugulong suliranin. Ang sipag ang puhunan sa tagumpay na dapat pag-ibayuhin.  Balansehin ang pagbibigyan mo ng oras at atensyon para walang mapabayaan.

Pisces (February 19- March 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NOS: 7, 15, 25, 30
Maging matatag at harapin ang problema at hanapan ng solusyon. Huwag magpabigla-bigla sa aksiyon o desisyon. Ituon ang atensyon sa paga-alaga sa sarili at kung paano mapaunlad ang sarili.