Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF DECEMBER 2014

Aries (March 21-April 20)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY:  Monday
HI-VIBE DAY:   Sunday
LUCKY COLOR: White
LUCKY NOS: 14, 15, 33, 42
Ang pagkakaisa sa tahanan at sa mga kasamahan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Ang mga hindi pagkakaunawaan ay madaling masolusyunan dahil magiging malambing at kabigha-bighani ang iyong pagkatao.


Taurus (April 21-May 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Mint Green
LUCKY NOS:  3, 8, 28, 38
May gantimpalang naghihintay sa pagbibigay ng tulong sa tamang napagbigyan.   Ikaw ay likas na matulungin sa kapawa kaya ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin sa isipan at gustong gawin na kung paglalaanan ng panahon ay matutupad.


Gemini (May 22-June 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY:  Wednesday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NOS: 2, 7, 12, 27
Ang gawain na hindi napansin noon ay may daan na matatapos ngayon. Malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran subalit ang masusing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan para hindi magsisi.


Cancer (June 22-July 23)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Turquoise Blue
LUCKY NOS: 2, 7, 17, 37
Harapin ng buong tatag at pananagutan ang desisyong ginawa, maging tama o mali. Huwag  ipawalang bahala ang isang responsibilidad na nakaatang sa iyo na kailangang matugunan.


Leo (July 24-August 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Scarlet
LUCKY NOS: 4, 10, 33, 40
Iwasan na mag-init ang ulo. Panatlihing maging mahinahon dahil magiging mabangis ang iyong pagkatao kapag ito ay hindi mo napigilan.  Tulad ng isang Leon kapag ikaw ay nagalit ay ikatatakot ng lahat. Iwasan ang palabiro at makantiyaw na tao para malayo sa gulo.


Virgo (August 23-September 23)
LOVE: ****
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:  Monday
HI-VIBE DAY:  Saturday
LUCKY COLOR: Mint Green
LUCKY NOS: 9, 13, 37, 38
Bagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Huwag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. Iwasan ang pagiging mainitin ang ulo at ipagpatuloy ang pakikipagsalamuha sa kapwa.  Ikaw ay likas na palakaibigan. 


Libra (September 24-October 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:  Saturday
HI-VIBE DAY:  Tuesday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 18, 19, 33, 42

 Masakit man sa kalooban, mapaglalabanan ang gustong bilhin dahil sa kakapusan ng pera. Kakapusan ng pera ay siyang suliranin subalit kung pagsisikapan, matutugunan ng kaibigan o kamag-anak.


Scorpio (October 24-November 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:  Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Tangerine
LUCKY NOS: 5, 7, 13, 31

Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil puputaktihin ka ng trabaho. Ngayon maipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng kasamahan sa trabaho.


Sagittarius (November 23-December 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:  Sunday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Ocean Blue
LUCKY NOS: 4, 5, 32, 42
Kailangan ang disiplina dahil magiging mainit ka sa pag-ibig. Pag-aralan at pag-isipan ng mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Huwag magpadalus-dalos. 


Capricorn (December 22-January 20)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY:    Wednesday
LUCKY COLOR: Jade Green
LUCKY NOS: 16, 18, 29, 39
Iwasan ang hindi inaasahang panauhin dahil may dalang balita na makakapagpainit ng ulo o may kailangang bagay na hindi kayang paunlakan o pagbigyan. Ang paglilinis ng kapaligiran sa tahanan o pinapasukan ay magbibigay ng kaligayahan.

Aquarius (January 21-February 19)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:  Monday
HI-VIBE DAY:  Friday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 4, 10, 16, 33
Magpakahinahon, timbangin at pag-isipan ng mabuti bago magsalita o humatol para maiwasan na magkamali at makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang matalik na kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa suliranin na dapat tanggihan nang malayo sa gulo.

Pisces (February 20-March 20)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY:   Friday
HI-VIBE DAY:    Monday
LUCKY COLOR: Blue Sapphire
LUCKY NOS: 9, 10, 24, 37
Magiging maswerte sa anumang uri ng negosyo kung sisimulan. Malakas at malaki ang kikitain kung ikaw ay hindi naka-kontrata. Kung ano ang swerte sa negosyo, kabaligtaran ang mangyayari sa pag-ibig.