Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Starscope for the Month of August 2019

Aries (March 21-April 19)
Taurus: (April 20-May 20)
Gemini (May 21-June 21)
Cancer (June 22-July 22)
Leo (July 23- August 22)
Virgo (August 23-September 22)
Aries (March 21-April 19)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Gray
LUCKY NOS: 4, 12, 21, 27, 30, at 45
Sariling diskarte ang atupagin sa pagpapalago ng kinabukasan. Napapanahon na upang simulan ang pagbabago sa sarili, walang iba gagawa ng iyong kapalaran kundi ikaw lang, kaya ngayon pa lang mag-ipon ka na.

Taurus: (April 20-May 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Navy Blue
LUCKY NOS: 8, 15, 23, 28, 33 at 43
Magandang balita dahil magiging positibo ang iyong pag-iisip sa mga gawain. Huwag magmadali, hintayin ang tamang oras at pagkakataon. Kung may nilalakad, sa umaga gawin para maasahan ang tagumpay.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: White
LUCKY NOS: 5, 9, 28, 37, 40 at 49
Doblehin ang tiyaga, sipag at panalangin nang madaling matapos ang gawain at makaiwas sa bulilyaso. Pairalin ang pagiging mahinahon. Kahit gawin kang sentro ng kantiyawan ay huwag pansinin upang malayo sa hindi pagkakaunawaan.

Cancer (June 22-July 22)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 2, 17, 23, 26, 34, at 44
Maglaan ng salapi para sa kinabukasan ng mga mahal sa buhay at ituon ang panahon sa pamilya. Kung may mag-alok ng trabaho, pag-isipang mabuti kung may buting maidudulot sa sarili at pamilya kaysa sa kasalukuyang trabaho. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon at pag isipang mabuti.

Leo (July 23- August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Lilac Pink
LUCKY NOS: 7, 18, 25, 34, 40 at 42
Magisip mabuti para mas luminaw ang isipan kung paano makakaahon sa mga problema. Sa pag-ibig, kapag payapa ang puso’t isipan, isang masayang relasyon ang kusang lalapit. Simulan ang anumang binabalak gawin.  Ang taglay na suliranin ay may kalutasan.

Virgo (August 23-September 22)

LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Tuesday 
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 7, 16, 25, 34, 40 at 48
Pahalagahan ang mga taong nagmamahal sa iyo. Gawing inspirasyon ang mga taong malapit sa puso mo. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan o komunikasyon  sa iba dahil ang kapareha ay magiging sensitibo at magkaroon ng paninibugho.

Libra (September 23-October 23)
Scorpio (October 24- November 21)
Sagittarius (November 22-December 21)
Capricorn (December 22-January 19)
Aquarius (January 20-February 18)
Pisces (February 19-March 20)
Libra (September 23-October 23)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Red Orange
LUCKY NOS: 5, 17, 22, 34, 41 at 49
Iwasan ang sobrang paggastos. Matutong magtipid.
Huwag malito sa anumang payo na maririnig,  pag-aralan mabuti ang mga detalye bago magdesisyon. Malamang manghihiram ng pera ang isang kaibigan ngunit matatagalan bago ito mabayaran, kaya dapat tangihan.

Scorpio (October 24- November 21)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 6, 17, 24, 31, 40 at 45
Kung may problema sa pera at nanghiram ka, huwag hintaying lumaki ang tubo. Bayaran agad para maiwasang malubog sa utang.  Handa mong harapin ang anuman hamon ngayong araw. Magiging masayahin. Madali kang lapitan ng kahit sino, kaya mag-ingat at huwag magtiwala agad.

Sagittarius (November 22-December 21)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NOS: 3, 21, 26, 33, 45 at 48
Panahon na upang humingi ng tulong sa iba. Sa pag-ibig, hingin ang tulong ng minamahal, upang mas madaling malutas ang mga problema. Iwasan ang mga bisyong hindi magdudulot ng maganda. Iwasan din ang maging makitid ang utak at pagiging magagalitin. Matutong i-relax ang isipan at katawan para sa ikabubuti ng iyong kalusugan.

Capricorn (December 22-January 19)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Yellow
LUCKY NOS: 7, 12, 22, 36 40 at 47
Mag-ingat sa pagsasalita ng walang filter para maiwasang makasakit ng damdamin. Habang patuloy kang kinagigiliwan , tuloy-tuloy ang paglago ng kabuhayan. Hindi magandang ideya ang maglakbay ngayon. Dapat tanggihan ang anumang uri ng paanyaya. Iwasan muna ang sosyalan. Mag-relax mag-isa.

Aquarius (January 20-February 18)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Magenta
LUCKY NOS: 4, 9 19, 27, 39 at 40
Ang mga taong nagpapahalaga sa iyo ang iyong pagtuunan ng pansin at ibuhos ang atensyon. Kung hindi ka niya mahal hayaan mo na siyang mawala. Tutukan mabuti ang pag-aaral dahil kulang pa ang iyong kaalaman sa trabaho. Lumingon ka sa iyong pinanggalingan at makakarating ka sa iyong patutunguhan.

Pisces (February 19-March 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Purple
LUCKY NOS: 2, 11, 19, 25, 34, at 44
Huwag magsawang tumulong sa kapwa. Kapag ikaw ay tumutulong sa kapwa, kusang darating ang swerte sa iyo. Kung may pagtatampo ang minamahal, resolbahin ito bago lumaki ang tampuhan. Madaling masolusyonan ang suliranin kung haharapin at pagsisikapan.