Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF APRIL 2018

Aries (March 21-April 19)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 6, 12, 24, 36, 42 at 49
Ikaw ay kilala sa pagiging maingat lalo na kung ito ay ukol sa iyong lovelife. May isang taong kukuha ng iyong atensiyon. Alamin muna ang kanyang pagkatao at huwag agad magtiwala dahil sa panahon ngayon, marami ang mapagkunwari. Sa pamumuhay magiging maganda ang kapalaran at hindi magiging maluho.

Taurus (April 20-May 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Pink
LUCKY NOS: 6, 12, 23, 36, 44 at 47
Kung gustong matapos ang gawain, kumilos kahit mag-isa at huwag umasa sa iba. Bigyan prayoridad ang sariling kapakanan. Masaya at maayos na lovelife. Sa pinansiyal, haluan ng pagmamahal at lambing ang produktong may kaugnayan sa pagkain.

Gemini (May 21-June 21)

LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 4, 14, 23, 36, 41, at 48
Ang problema sa relasyon kung patuloy magbubulag-bulagan ay walang solusyon na mangyayari. Kung pagtutuunan ng pansin, madaling makakahanap ng tamang solusyon sa problema. Ingatan ang pananalapi dahil hindi lahat ng papasuking negosyo ay maganda. Pag-aralang mabuti para maiwasan ang pagkalugi.

Cancer (June 22- July 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR:Lilac Pink
LUCKY NOS: 5, 17, 29, 32, 34, at 44
Mag-ingat sa mga bibitiwang salita baka makasakit ng damdamin. Mabuting maging tagapakinig kaysa maging tagapagsalita. Kung may sasabihin, tiyakin na walang masasaktan sa sinabi. Sa pinansyal, dagdag na salapi ang matatanggap. Ipagpatuloy ang maayos na lovelife at iwasan ang argumento.

Leo (July 23 August 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Red Orange
LUCKY NOS: 7, 13, 22, 36 40 at 47
Huag ipilit kung ano ang gusto, dahil pagmumulan lang ito ng hindi pagkakaunawaan at hahantong lang sa away. Lingunin ang nakaraan para makaiwas sa muling pagkakamali. Lubos kang masuwerte, sapagkat habang kinaiingitan ka ng iba, lalo namang lalago ang iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, maging magiliw sa kasuyo.

Virgo (August 23 September 22)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 4, 14, 23, 37, 39 at 44
Maging praktikal at gawin kung ano ang gusto. Ilabas ang sama ng loob kaysa patuloy na kimkimin. Walang solusyon sa pagmumukmok at pag-iyak, kumilos ka upang matupad ang pangarap mong guminhawa sa buhay. Sa pag-ibig, tama ang ipinapakita mong pagmamahal sa kasuyo.

Libra (September 23-October 23)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Peach
LUCKY NOS: 6, 18, 21, 33, 42 at 48
Huag magmumukmok ng dahil sa problema, pinahihirapan mo lang ang sarili. Tanggapin ang pagkakamali ng iba, dahil walang taong perpekto sa mundo. Kung naghihinanakit ang kalooban dahil sa kagagawaan ng iba, mabuting kausapin sa mahinahong paraan.

Scorpio (October 24 – November 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Magenta
LUCKY NOS: 9, 12, 18, 27, 36, at 45
May pagbabago dapat gawin at landasin ang tamang daan sa kaunlaran. May dapat kang pakinggan mga mungkahi na dapat sundin. Huwag aksayahin ang panahon, kumilos kaagad. Wag sumuko hangga’t hindi nakakamit ang ninanais na yaman. Sa pag-ibig, wag makipag-hiwalay sa kasuyo at isama sa iyong tagumpay.

Sagittarius (November 22 – December 21)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 4, 13, 28, 37, 39 at 44
Kung inaakalang ikaw ang nagkamali, ikaw na ang unang lumapit. Masosorpresa dahil may mangyayaring hindi inaasahan. Maging alerto, Mawawala ang kalungkutan kung pagtutuunan ng pansin ang pag-ibig at salapi. Ihanda ang sarili sa mga pagbabago mula sa lovelife, sa maunlad at masayang pamilya.

Capricorn (December 22 – January 19)

LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 4, 13, 28, 33, 39 at 45
Iwasan makagawa ng bagay na makakasakit sa kalooban ng minamahal, dahil hahantong sa matagal na tampuhan. Pairalin ang pagkamaunawain at pasensiya sa kasambahay at kasamahan. Maaaring may magtampo o magkaroon ng hinanakit. May darating na bagong kakilala na makakasama sa panibagong yugto ng buhay.

Aquarius (January 20 – February 18)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Beige
LUCKY NOS: 7, 11, 26, 35, 43 at 48
Iwasan ang sobrang pagsubsob sa trabaho at sa pagresolba ng problema. Mas magiging maayos ang situwasyon kung kakalma. Mag-relaks para makasagap ng panibagong kasiglahan. Huwag maapektuhan sa mga biro dahil ikaw ang talo. Makisayaw sa tugtog. Dahil darating ang araw ang lahat ay lilipas din.

Pisces (February 19 – March 20)

LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Fuchsia
LUCKY NOS: 2, 7, 23, 26, 34, at 44
May darating na suliranin ngunit madali mong malulutas. Pagdarasal ng taimtim ang pinakamabisang panlaban sa mga problema. Laging tatandaan na ang mga problemang dinaranas ay hindi ibibigay ng Diyos sa atin kung alam niyang hindi natin itong kayang solusyunan.