Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF APRIL 2016

ARIES (Marso 21 – Abril 19)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Blue
LUCKY NOS: 5, 13, 33, 41
Lalago ka kapag napakinabangan ng madla ang iyong kaalaman. Magiging productive ang negosyo kapag masaya ang mga kasama mo. Productive man ang negosyo, pagtuunan mo ng pansin ang iyong kalusugan. Huwag mong balewalain ang nararamdaman mo sa anumang parte ng katawan. Wala kang magagawa kung may dinaramdam ka kaya patingnan mo agad ito sa doctor. Magpahinga ka muna.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Orange
LUCKY NOS: 3, 9, 21, 39
Ang bonding sa kapamilya ay paraan para mapag-usapan ang mga issues at maiwasan ang paglala nito. Pansinin ang mga mabuting gawa ng mga bata at purihin sila. May darating na pagsubok sa iyo at isang matagal mo nang kaibigan. May gagawin siya o ikaw na magiging dahilan upang magduda kayo sa katapatan ninyo sa isa’t isa. Tao lamang kayo na maaaring magkamali.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 15, 17, 33, 45
Huwag kang matulog sa pansitan kahit alam mong tumatakbo nang maayos ang iyong negosyo. Maraming nakaabang na ahas sa iyo at naghihintay lang sila ng pagkakataon upang itumba ka sa pedestal mo ngayon. Mas mabuti ang kinakainggitan kaysa kinakaawaan.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: White
LUCKY NOS: 11, 15, 39, 41
Kausapin ng mahinahon ang tao na nagkakapagpairita sa iyo, upang magkaliwanagan kayo. Piliin ang maging happy ngayon. Huwag ka munang gagawa ng plano na bumiyahe lalo na sa malayong lugar. Hindi ngayon ang panahon. Masusubukan ang iyong pananalig ispirituwal sa mga darating na araw dahil may mga dramang magaganap sa iyong buhay.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 3, 21, 23, 29
Maging creative sa iyong emotional expression. Piliin ang mga positive emotions para maakit ang suwerte. Huwag kang matakot kung nakakapanaginip ka tungkol sa kamatayan. Iba ang kahulugan niyan para sa iyo. Kailangan mong baguhin ang iyong pananaw sa buhay at itsura kung gusto mong magtagumpay. Ito ang kahulugan ng panaginip. Magbago ka.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 23)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Violet
LUCKY NOS: 13, 19, 29, 41
Ikakalat na parang tsismis ang magandang ugali ng kapwa. Dito ka mababansagan na charming at maaakit mo ang mga charming na tao. Ang iyong relasyon ay dadaan sa pagsubok. Kung may partner ka na, baka magkaroon ng tampuhan. Kung hindi ninyo malulutas ito, baka mauwi sa hiwalayan. Kung pareho kayong magiging matigas at ayaw magpatalo, ihanda mo na ang sarili mo.

LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Mint Green
LUCKY NOS: 5, 11, 27, 41
Buwenas ka ngayon kaya kung kailangan mong mag-negosyo o lumipat sa ibang trabaho, gawin mo. Magtiwala ka na ang ginawa mong pag-aaral sa lahat ng maaaring mangyari ay may basehan. Baka mawala pa ang oportunidad.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Silver
LUCKY NOS: 17, 19, 33, 49
Mag-focus sa iyong health. Maging aktibo ka ngayon sa pag-aaruga sa mga mahal mo sa buhay. Kung mayroon ka nang pamilya, bantayan mo silang mabuti upang mailayo sa kapahamakan. Kung may mga kabataan sa inyo, kilalanin mong mabuti ang kanilang mga barkadahan.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Tangerine
LUCKY NOS: 3, 11, 39, 45
Planuhin ang paggasta, mag-ingat sa pananalapi. Nagpabaya ka sa kalusugan nitong mga nakaraang buwan. Panahon na upang intindihin mo ulit ito. Iwasan mo ang pagkain ng mga bawal.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Indigo
LUCKY NOS: 11, 15, 29, 39
Suriin ang sarili sa pagharap sa isang masalimuot na events ng buhay. Pag-aralan ang iyong best creative expression para ma-solve ang gusot na ito. Katahimikan ng isip at damdamin ang gawin mong focus sa buwang ito. Masyadong abala ang iyong utak. Ang dami mong gustong gawin. Wala kang matatapos dahil gusto mong simulan lahat.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Lavender
LUCKY NOS: 9, 15, 25, 39
Lahat ng tao ay meron 24 oras bawat araw para ma-express ang sarili sa mundo. Magkakaiba ang pagpapahalaga sa bawat oras. Madaragdagan ang value sa sarili kapag pinahalagahan ang kapwa. Hindi man iyo, daramdamin mo pa rin ang mga pagsubok na pagdadaanan ng iyong mga mahal sa buhay. Iwasan mong maapektuhan dahil mas lalo kang hindi makakatulong sa kanila. Hanapin mo muna ang katahimikan ng iyong isip, puso at damdamin.

PISCES (Pebrero 19 – Marso20)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Friday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Red Rose
LUCKY NOS: 15, 19, 39, 45
Matatakot ka dahil may mararamdaman kang hindi normal sa iyong katawan. Baka nasosobrahan ang ginagawa mo na akala mo ay nakakatulong sa iyong kalusugan. Kumonsulta agad sa duktor.