Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH OF APRIL 2015

ARIES (Marso 21-Abril 19)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Sunday

LUCKY COLOR: Pink

LUCKY NOS: 9, 14, 32, 33

Sa ganitong panahon, lawakan pa ang iyong pang-unawa at pagpapasensiya dahil magiging lapitin ka ng mga taong pikon at mainitin ang ulo. Iwasan ang maging pabigla-bigla at maging agresibo sa mga sitwasyong kailangan ng pasensya. Iwasan din ang mangako at lalo na ang mga nangangako.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Monday

HI-VIBE DAY: Friday

LUCKY COLOR: Green

LUCKY NOS: 20, 25, 33, 34

Nasa magandang pakiramdam ang katawan para tapusin ang lahat ng trabahong nakaatang. Isang tawag mula sa mahal ang makadaragdag ng kaligayahan at kasiyahan. Kaligayahan ang pakiramdam ng pagtulong sa kapwa o kaibigan. Magiging masaya at mapayapa ang tahanan.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21)

LOVE: ***

LUCK: **

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Wednesday

HI-VIBE DAY: Thursday

LUCKY COLOR: Moss Green

LUCKY NOS: 15, 30, 40, 41

Mag-ingat dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Ang mga pagkakamaling nagawa ay malamang maulit. May kaunlaran na matatamo kung positibo ang nasa isip.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22)

LOVE: **

LUCK: **

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Thursday

HI-VIBE DAY: Friday

LUCKY COLOR: Aqua Blue

LUCKY NOS: 22, 39, 40, 42

Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan ngunit iwasan ang labis na gastos. Mahalaga ang magplano sa bagay na gustong simulan. Makakatulong ang isang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Magiging positibo ang isip sa paggawa ng tungkulin.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22)

LOVE: **

LUCK: ***

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Monday

HI-VIBE DAY: Saturday

LUCKY COLOR: Brown

LUCKY NOS: 13, 22, 35, 39

Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak o mga kaibigan. Mapapagtibay ang relasyon sa tahanan at kaibigan. Iwasan ang maging mapusok. Maayos at walang balakid ang takbo ng mga gawain. Bagong pag-ibig ang makakagulo sa isipan at kalooban.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Saturday

LUCKY COLOR: Jade Green

LUCKY NOS: 11, 22, 33, 40

Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Mayroon kang makikilala na baka sa hinaharap ay iyong makakatuluyan. May babalang gusot na mangyayari mula sa kamag-anak o sa tahanan. Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o manghihiram ng pera.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: **

LO-VIBE DAY: Wednesday

HI-VIBE DAY: Thursday

LUCKY COLOR: Electric Blue

LUCKY NOS: 17, 26, 30, 42

Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Ang dapat pagdesisyunan ay pag-isipan muna nang mabuti. Kung mag-a-apply ng trabaho, lakarin nang maaga para maging maganda rin ang resulta. Ika nga nila, early bird catches the worm.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22)

LOVE: **

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Wednesday

HI-VIBE DAY: Tuesday

LUCKY COLOR: Orange

LUCKY NOS: 2, 17, 23, 40

Tanggapin kung nagkamali kalakip ang kaluwagan ng kalooban. Mahalaga ang magtiyaga. Lilipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Maging mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa. Ang payo kung gustong isaalang-alang ay pag-aralan muna nang mabuti.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21)

LOVE: ***

LUCK: **

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Thursday

HI-VIBE DAY: Friday

LUCKY COLOR: Yellow

LUCKY NOS: 18, 27, 36, 40

Taglay ang kasiglahan subalit madaling mapipikon, magiging mainitin ang ulo at madaling magalit. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19)

LOVE: ***

LUCK: ****

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Friday

HI-VIBE DAY: Sunday

LUCKY COLOR: Green

LUCKY NOS: 8, 24, 34, 38

Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ng pansin sa kausap para pakinggan. Magagawang makumbinsi ang kahit makulit o makitid ang isipan.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18)

LOVE: ***

LUCK: ***

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Monday

HI-VIBE DAY: Thursday

LUCKY COLOR: Sky Blue

LUCKY NOS: 6, 19, 25, 37

Iwasan ang pakikialam para hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. Ayusin kaagad at huwag ipagsawalang-bahala ang kaunting suliranin sa bahay o trabaho.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20)

LOVE: ***

LUCK: **

MONEY: ***

LO-VIBE DAY: Tuesday

HI-VIBE DAY: Friday

LUCKY COLOR: Oak Brown

LUCKY NOS: 11, 29, 39, 41

Ang munting suliranin sa minamahal ay hindi dapat dalhin hanggang sa pinagtatrabahuhan. Isang lihim ang hindi inaasahang matutuklasan. Iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may pag-aalinlangan.