Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

STARSCOPE FOR THE MONTH AUGUST 2013

Aries (March 21-April 20)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Avocado Green
LUCKY NOS: 11, 23, 29, 38
Huwag magtiwala sa iyong pakiramdam o nararamdaman . Kung ano ang iniisip, iwasan gawin dahil walang mapapala.. Kung papatulan ang mang-asar o mangungulit, tiyak may hindi inaasahang mangyayari. Maging mapagtimpi.

Taurus (April 21-May 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Thursday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 15, 24, 39, 42
May pabuya na matatanggap sa kabutihan na nagawa. Kung may tensiyon sa tahanan o trabaho, mas makabubuting huwag magkomento para hindi lumaki. Huhupa ang tensiyon at lilipas din  kaya hindi dapat magpaapekto.

Gemini (May 22-June 21)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Maroon
LUCKY NOS: 2, 18, 23, 41
Sa impluwensya ng panahon walang magiging suliranin ngayon. Magiging masaya ang pakikihalubilo sa kasamahan, kaibigan at kamag-anak. Huwag pagkaitan ng tulong ang taong lalapit kung kaya rin lamang. Ikaw ay likas na matulungin kaya gawin ang nararapat.

Cancer (June 22-July 23)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Sunday
LUCKY COLOR: Brown
LUCKY NOS: 5, 10, 29, 33
Upang hindi magkabuhol-buhol, ayusin ang mga schedules at repasuhin dahil sa sobrang busy, makakalimutin ka ngayon. Huwag mangako dahil tiyak makakalimutan o hindi matutupad. Iwasan na makipag-schedule dahil may hadlang at tiyak na hindi makakarating o makakadalo.

Leo (July 24-August 22)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: ****
LO-VIBE DAY: Monday
HI-VIBE DAY: Saturday
LUCKY COLOR: Canary Yellow
LUCKY NOS: 10, 24, 31, 40
Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan dahil sisirain ang pamilya o ang kasalukuyang relasyon. Huwag magpadala sa matamis na salita dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Mag-ingat sa manloloko. Talasan ang pakiramdam at maging mapagmatyag.

Virgo (August 23-September 23)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Friday
LUCKY COLOR: Navy Blue
LUCKY NOS: 18, 25, 39, 43
Iiral ang pagkatamad, pagkamasungit, mainitin ang ulo at madaling magalit. Ito ang dapat paglabanan dahil kung hindi, mapapasubo sa hindi magandang situwasyon. Labis na kaligayahan ang madarama kung may matatapos na gawain. Hindi sagot ang maglasing o magmukmok sa suliranin.

Libra (September 24-October 23)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Wednesday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Green
LUCKY NOS: 3, 10, 26, 37
Malilito ka sa mga alok. Lalong mabuti kung mag-isa muna para makapag-isip ng magandang ideya o tamang paraan. Kumunsulta sa inaakalang higit na nakakaalam sa problema. Malaking pagkakataon na makahanap ng paraan para madagdagan ang kita.

Scorpio (October 24-November 22)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Tuesday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Canadian Red
LUCKY NOS: 18, 23, 36, 38
Unahin ang kapakanan bago ang iba. Walang maibibigay na tulong sa iba kung ang sarili ay kapos. Kung may alinlangan, huwag ituloy dahil tiyak walang magandang kahihinatnan. Gawin ang plano at tiyak may magandang patutunguhan.

Sagittarius (November 23-December 21)
LOVE: **
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Sunday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Red
LUCKY NOS: 6, 18, 22, 34
Magugulat ka sa makikita dahil hindi mo sukat akalain, isang dating insidente o magkahalintulad ang mauulit na hindi sinasadya. Walang katiyakan ang takbo ng panahon kaya ang pag-iingat ay dapat gawin. Maging alerto. Huwag magpabaya.

Capricorn (December 22-January 20)
LOVE: ***
LUCK: **
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Monday
LUCKY COLOR: Yellow Orange
LUCKY NOS: 20, 29, 34, 42
Huwag magsisi kung may nagawang mali. Ipalagay na isang aral na hindi na mauulit. Ipanatag ang isip sa problema dahil darating nang kusa ang solusyon sa tamang oras o panahon. Iwasan na maging emosyonal.

Aquarius (January 21-February 19)
LOVE: ***
LUCK: ***
MONEY: **
LO-VIBE DAY: Saturday
HI-VIBE DAY: Wednesday
LUCKY COLOR: Charcoal Gray
LUCKY NOS: 8, 23, 28, 39
Lakasan ang loob sa mangyayari. Makakaranas ng pangyayari na magiging memorable. Kung naging magulo ang buhay sa nakalipas, ngayon babalik sa normal. Makakaranas ng ginhawa sa pinansyal.

Pisces (February 20-March 20)
LOVE: **
LUCK: ***
MONEY: ***
LO-VIBE DAY: Thursday
HI-VIBE DAY: Tuesday
LUCKY COLOR: Aquamarine
LUCKY NOS: 5, 22, 36, 39
Magtiwala sa nararamdaman. Kung ano ang iniisip at kilos ay may mapapala. Kung ano ang kutob hindi magkakamali. Huwag patulan ang mang-asar o mangungulit.