Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Squid Sisig

Sangkap
  • 2 malalaking pusit, linisin
  • 2 kutsarang toyo
  • 2 sibuyas, tadtarin
  • 6 pirasong bawang, tadtarin
  • 1 maliit na pirasong luya, hiwaing maliliit
  • 1-2 pirasong siling labuyo, hiwaing maliit
  • 1/3 tasa ng mayonnaise
  • lemon, hiniwang makaapt pahaba
  • paminta
  • asin
  • mantika
Paraan
  1. Ihanda ang ihawan at kapag mainit na ito ay ilagay ang pusit, 1 minuto hanggang 2 minuto, mas mabilis ay mas mabuti para hindi tumigas ang pusit. Hanguin mula sa ihawan at hayaang lumamig bago tadtarin sa maliliit na piraso ang pusit.
  2. Sa malaking mangkok, pagsamahin ang toyo, bawang, luya, siling labuyo, paminta at 3 kutsarang mantika. Ihalo ang tinadtad ng pusit at haluing mabuti.
  3. Painitan ang isang makapal na pan at kapag ito ay mainit na ay ilagay ng mabilis ang pusit at haluin sa loob ng 1 o dalawang minuto. Huwag lutuin nang matagal. Hanguin agad ang pusit at ilagay sa mangkok.
  4. Lasahan ang pusit ng asin at ilagay ang sibuyas at mayonnaise. Haluin at ihain na kasama ang lemon wedge sa gilid.