Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Squash and String Beans in Coconut Cream Sauce

Isang mabilis lutuin at masustansiyang pagkaing Pinoy.  Walang katiyakan kung saan ito nagmula subalit dahil sa ang sangkap nito ay gata hinuhulaan naming ito ay nagmula sa Kabikulan na siyang pangunahing sangkap sa bawat ulam sa Bicol.
Masarap itong ihain kasama ang mainit na Jasmine rice o kahit anong kaning puti.

Sangkap:
  • 400g Pork belly, hiwaing pakuwadrado
  • 1/2 katamtamang laki ng kalabasa o butternut, hiwaing pakuwadrado
  • 1 tali ng sitaw, hiwaing ng 2 pulgada ang haba
  • 2 tasa ng gata
  • 3 kutsarang bagoong isda
  • 5 pirasong bawang, dikdikin
  • 1 maliit na sibuyas na pula, tadtarin ng maliit
  • 3 pirasong siling haba, hiwaing maliit
  • paminta
  • mantika
Paraan:
  1. Sa kawali, initin ang mantika at igisa ang maliit na piraso ngaboy hanggang ito ay magkulay brown.
  2. Ilagay ang bawang, sibuyas at sili at igisa sa loob ng 1 minuto.
  3. Ihalo ang kalabasa at sitaw at igisa hanggang ang kalabasa at mag-umpisang mag-brown.
  4. Ihalo ang gata, pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto.
  5. Idagdag ang bagoong at pakuluin sa karagdagang 2 minuto.
  6. Lagyan ng paminta para sa kargdagang lasa.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net