Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Smoke-free Schools

Sa dumaraming bilang ng mga estudyanteng natututong manigarilyo, nagpa-alala si Senadora Pia Cayetano na itong buwan na ito ay ‘No-Smoking month’.  Anang senadora,  dapat ay  istriktong ipatupad ang “no-smoking” sa lahat ng public at private schools sa bansa kasabay ng pagbubukas ng klase upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga ito.

“Anti-smoking laws should be strictly enforced in schools to protect our youth from second-hand smoke and to discourage them from becoming smokers themselves,” ani Cayetano, chairperson ng Senate committee on health and demography and on youth.  Sa ilalim ng Republic Act 9211 (Tobacco Regulation Act of 2003), mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa playschools, primary, secon­dary at tertiary schools. Ipinagbabawal din ang pagbebenta ng sigarilyo na may layong 100 metro mula sa eskwelahan. Ang panawagan ng senadora ay dahil sa lumalaking bilang ng mga estudyante na naninigarilyo. ( Abante)