Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Slowly Braised Lamb Leg in Red Wine

Sangkap:
  • 1 lamb leg (roughly 2.5 – 3 kgs)
  • 2 tasang dry red wine
  • 2 tasang beef stock
  • 1/4 tasang tomato paste
  • 2 400g lata chopped tomatoes
  • 1 malaking pulang sibuyas, tadtarin
  • 6 pirasong bawang, gayatin
  • 6 tangkay fresh thyme
  • 3 tangkay fresh rosemary
  • 3 tangkay fresh oregano
  • asin
  • mantika
Paraan:
  1. Hilamusan ng asin at paminta ang buong lamb leg.
  2. Ilagay ang Dutch oven sa kalan at painitin kasama ang mantika at kapag mainit na ay ilagay ang lamb leg at i-brown ang lahat ng side.
  3. Ilagay sa gilid ang lamb leg at igisa ang bawang at sibuyas.
  4. Ibuhos ang wine, beef stock at chopped tomatoes at ihalo ang thyme, oregano, rosemary at tomato paste. Takpan angDutch oven at pakuluin at patayin ang apoy.
  5. Ilagay ang ang Dutch oven sa loob ng preheated oven na 160 C at lutuin sa loob ng 1 oras o hanggan ang lamb leg ay lumambot.
  6. Baligtarin ang lamb leg para masigurong masipsip nito ang lasa, bawasan ang init ng oven sa 135C at i-braise ito sa 3 hangang sa 3 1/2 hours o hanggang sa malambot ang karne. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan para hindi matuyuan.
  7. Tanggalin mula sa oven at ilagay ang lamb leg sa ibang lalagyan.
  8. Ilagay ang Dutch oven sa ibabaw ng sinindihang kalan. Tanggalin ang mga herbs na inilagay at bawasan at haluin ng mabuti hanggang mabawasan at lumapot ang sauce. Lasahan ng asin at paminta.
  9. Ibalik ang lamb leg sa Dutch oven, lagyan ng sauce ang ibabaw ng lamb leg bago ihain. Pwede ito ihain na may kasamang mashed potatoes at buttered vegetables.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net