Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Sinuglaw sa Gata

Sangkap:

  • 400 g inihaw na pork belly, tadtarin
  • 400 g sariwang snapper (o kahit na anong isda na may white meat), hiwaing pakuwadrado
  • 1 malaking cucumber, hiwaing pakuwadrado
  • 1/2 tasang coconut vinegar
  • 1 tasang coconut milk
  • 1 pulang sibuyas, hiwain
  • 2 kutsarang luya, pitpitin at hiwaing maliit
  • juice mula sa 1 lemon
  • 4 pirasong siling haba, tadtarin
  • asin
  • paminta

Paraan:

1. Ibabad ang snapper sa isang 3/4 tasa ng suka. Ibabad sa loob ng 10 minuto at itabi.

2. Gamitin ang kamay sa pagpisil sa isda para maalis ang sobrang liquid at i-drain ang suka.

3. Ilagay ang cucumber, sibuyas, luya , sili at asin. Haluing mabuti.

4. Idagdag ang juice galing sa lemon at coconut milk at ilagay ang natitirang suka. Ibabad s aloob ng 1 oras habang nakalagay sa loob ng ref.

5. Bago ihain. Ihanda ang inihaw na pork belly, at i-chop ito kasama ang isda, at ihain.

Recipe and photo credit www.angsarap.net