Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

Si Ping Lacson ang malakas na kandidato para sa pagka-Pangulo- Noli de Castro

Noong nakaraang presidential interviews na isinagawa ng GMA 7, pinanood ng marami at isa na rito si dating Vice President at batikang broadcaster na si Noli de Castro.  Ipinahayag niya ang kanyang paghanga kay Senator Ping Lacson dahil naging mahusay at matatag ang mga sagot nito sa mga tanong ni Jessica Soho.

 Ang prangka at matalinong pagsagot sa mga tanong ukol sa mga pambansang issues ay nasagot ni Lacson kumpara sa iba pang kandidatong na in-interview rin noong gabing yun.

Kasama sa mga na-interview ay ang iba pang presidential aspirants, VP Leni Robredo, Senator Manny Pacquiao, at Manila Mayor Isko Moreno.

Nakita rin ni Castro kay Lacson ang malawak na kaalaman nito tungkol sa mga iba’t ibang isyung kinakaharap ng bansa tulad ng kahirapan, ang pagtugon sa kriminalidad pati ang pandemya kaya tiwala  siyang kaya nitong gampanan ang tungkulin bilang pangulo ng bansa kung papalarin sa darating na halalan.