Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Showbusiness ay affected din ng Coronavirus

Lahat ay apektado ng coronavirus, mga businesses, estudyante, empleyado, kasama na riyan ang showbusiness at pulitika. Nang ipatupad ng pamahalaan ang Enhanced Community Quarantine, marami ang natigil. Negosyo, paaralan, mga negosyong hindi essential at may mga maliliit na negosyo na nagsara. Suma tutal, halos lahat ng tao ay nasa bahay para maiwasan pa ang pagdami ng nagkakasakit dahil sa malaganap na virus. Isang Pandemic na matatawag
dahil buong mundo ay apektado.

Ang kasalukuyang mga heroes sa buong mundo ay ang mga frontliners na kinabibilangan ng Healthworkers, Duktor, Kapulisan, Sundalo at Media. Ang media ang naghahatid ng blow by blow account kung ano ang nangyayari sa paligid. Lumalabas sila sa kalye para malaman ang lagay ng sitwasyon sa bawat lugar. Ang mga healthworkers at duktor naman ang siyang nagtutulung-tulong upang magamot ang mga tinatamaan ng virus to the point na sila man ay nahahawahan na rin. Ilan na nga bang mga duktor at nurses ang namatay dahil nahawa sila ng virus, marami na. Ang ating kalaban ay hindi natin nakikita kaya pinag-iingat ang lahat. Maging ang showbiz ay hindi nakaligtas, tigil lahat ang mga palabas na teleserye dahil sa social distancing na ipinatutupad ng gobyerno.

Maging ang mga live shows ay tigil. Pero hindi dito tumigil ang mundo ng mga taga0showbiz, lahat sila ay nag-isip ng kung paano makakatulong sa panahon na nangangailangan ng tulong ang mga mamamayan.

Ang ABS CBN ay patuloy pa rin sa ASAP tuwing linggo pero ang mga singers ay nagpe-perform mula sa kani-kanilang tahanan. Naglunsad din ng isang awitin na sama-sama ang taga ABS CBN at GMA 7 na composed ni Maestro Ryan Cayabyab at lyrics ni Flor Quintos ang awiting We Heal As One.

Lahat ay nagtutulong-tulong para mabuti ang sitwasyon sa kanilang abot makakaya. Sa panahong ito, walang artista, walang tagahanga. Lahat ay pantay-pantay. Walang network war dahil ang mga artista sa magkabilang istasyon ay sama-samang tumutulong sa nangangailangan.