Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

Sara Duterte, Pinalitan si Bong Revilla

Magmula ng mag-file ng COC si Sara Duterte sa pagka-pangalawang pangulo ay tuluy-tuloy rin ang buhos ng intriga at walang patid na patutsada mula sa iba’t ibang partido.

Hindi naman maiiwasan ang ganitong patutsadahan sa panahon ng eleksyon lalo pa’t hindi sinusuportahan ni Sarah ang pambato ng partido ng kanyang amang si Pangulong Duterte na si Senator Bong Go.

Alam ng marami na si Bongbong Marcos ang sinusuportahan ni Sara kung kaya’t nagkakagulo sila sa PDP Laban. Nanawagan naman si Sara na irespeto ang kanyang desisyon para sa katahimikan ng bansa.

Si Sarah ay tatakbo sa ilalim ng partido na itinayo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at siya ngayon ang hahalili kay Senator Bong Revilla para maging bagong chairperson ng Lakas-CMD at magsasanib pwersa sila ni Presidential aspirant Bongbong Marcos.

Matunog na matunog ang tambalang ito na marami ang nagsasabing ito na marahil ang tambalang pinakamalakas sa darating na eleksyon.