Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

Jodi Sta. Maria pilit na bubuoin ang pamilya sa “Sana Dalawa ang Puso” finale

Matapos maibunyag ang katotohanan sa pagkatao nina Mona at Lisa (Jodi Sta. Maria), susubukan nila ngayong buuin ang kanilang pamilya sa pagtatapos ng “Sana Dalawa Ang Puso”, na mapapanood sa labas ng Pilipinas via The Filipino Channel (TFC), na mayroong streaming ang final episode sa karamihan ng mga bansa via TFC online (www.TFC.tv) sa September 14.

Naging emosyonal ang kambal nang makipag-usap sa kanilang tunay na ina na si Sandra Tan (Irma Adlawan). Bagama’t natanggap na nila ang katotohanan at napatawad na ang isa’t-isa, marami pa ring hadlang sa pagkakabuo ng kanilang pamilya gaya ng pagtatampo at pagkawala ni Juancho (Christopher De Leon) matapos na malaman ang tunay na katauhan ni Lisa.

Maliban doon ay patuloy ang banta ng paghihiganti ni Primera (Denise Laurel) at ng sindikatong Odonata sa kaligtasan ng lahat. Maging si Martin (Richard Yap) ay malalagay sa panganib matapos malaman ni Primera na maaring may kinalaman siya sa pagkasira ng kaniyang mga plano. Lalo namang gaganahan si Leo (Robin Padilla) na tapusin ang kaniyang misyong pabagsakin ang Odonata para sa ikabubuti ng asawang si Lisa.

Matanggap kaya ni Juancho ang katotohanan? Masugpo kaya nila si Primera at ang Odonata? Paano bubuuin nina Mona at Lisa ang kanilang pamilya?

Huwag palampasin ang kapana-panabik na pagtatapos ng “Sana Dalaw Ang Puso”, na napapanood sa labas ng Pilipinas via TFC, at mayroong streaming ang final episode sa karamihan ng mga bansa via TFC online (www.TFC.tv) sa September 14 at 11:20 A.M. (Manila time).