Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Sampung akyat para sa Pilipinas

Noong 2010, umakyat ng sampung hakbang ang Pilipinas mula Rank 85 papuntang Rank 75 sa Global Competitiveness. Ngayong 2012 naman ay muling humakbang pasulong ng sampu ang bansa mula Rank 75 patungong Rank 65! Ayon sa Makati Business Club (MBC), ang patuloy na pagsulong ng bansa sa Global Competitveness ay dala ng paglago ng 11 sa 12 ‘pillars’ o criteria ng World Economic Fund gaya ng institutions pillar, infrastructure pillar at macroeconomic pillar na pawang nagkaroon ng malalaking pagbabago kumpara sa dating pwesto. Ngunit batid ng MBC na kahit na patuloy ang pag-asenso ng bansa ay marami pa ring suliranin ang dapat tugunan dulot ng korupsyon, kakulangan sa imprasturktura at kahinaan sa ugnayan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. (Philippine Star)