Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Sabo Kamatis

Sangkap:

  • 1 1/2 kilo beef ribs

  • 1 malaking bungkos ng  Bok Choy

  • 1/2 repolyo, hiwain

  • 1 maliit na labanos, hiwain

  • 3 pirasong siling haba

  • 6 pirasongb kamatis, hiwaing  makaapat

  • 2 kutsarang tomato paste

  • 2 sibuyas, tadtarin

  • 4 pirasong bawang, tadtarin

  • 1/4 tasang patis

  • paminta

  • asin

  • 6 tasang tubig

  • mantika

Paraan:

  1. 1. Lagyan ng mantika ang kaserola at isangkutsa ang beef ribs hanggang magkulay brown. Hanguin mula sa kaserola at itabi.

  2. Gamit ang parehas na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa loob ng 1 minuto sa katamtamang init ng apoy.

  3. Ihalo ang tomato paste at ituloy ang paggisa sa loob ng 30 segundo.

  4. Ilagay ang lahat ng kamatis at haluin at iluto hanggang lumambot ito.

  5. Ibalik ang beef ribs at ilagay ang patis at ilagay ang tubig at tiyaking nakalubog ang beef ribs.  Pakuluin at hayaang kumulo sa mahinang apoy sa loob ng 1 at kalahating oras. 

  6. Ilagay ang siling haba at labanos. Takpan at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto.  

  7. Ilagay ang repolyo at bok choy. Takpan at pakuluin sa karagdagang 3 minuto.

  8. Lasahan ng asin at paminta at ihain.

Recipe credits to www.angsarap.net