Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

RP saging sa Russia

Dahil sa pagbabawal ng pagpasok ng mga saging mula sa Pilipinas sa China, naghahanap ang bansa ng bagong merkado kung saan ie-export ang mga prutas na ito. Sa kabutihang palad, naging bukas ang Russia sa tulong ni Russian Honorary Consul Armi Lopez Garcia na pumunta sa Cebu upang tingnan ang posibilidad ng eksportasyon ng mga saging sa kanilang bansa. Ito ay isang senyales na lalong tumitibay ang pagkakaibigan ng Russia at Pilipinas sa kabila ng pagkakaiba sa uri ng pamamahala. Samantalang nagpapasalamat ang Pilipinas dahil mula 4,000 turista noong 2007 ay humampas sa 21,000 na ang mga Russians na bumibisita sa bansa.  Sa ngayon ay inaayos ng emabahada Russia ang isang bagong air route kung saan magkakaroon ng direktang byahe mula sa Maynila hanggang Vladivostok, Russia na tinatayang limang oras ang tagal ng byahe. (Philippine Star)