Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

RP saging, nakapasok na sa Tsina

Nagpahayag ang Malacanang na pinayagan nangmakapasok ng gobyernong Tsina ang saging na galing sa bansang Pilipinas. Matatandaang hinarang ng Tsina ang pagpasok ng ating saging sa kanilang bansa at inisip ng maraming tao na gumaganti ito dahil sa nangyayaring hidwaan sa Scarborough Shoal, subalit ang dahilan diumano ng Tsina ay dahil sa pagiging infected diumano ng ating saging ng isanguri ng uod na nakikita sa mga niyog.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na isang magandang balita ang pagpayag ng China na papasukin ang ating saging at bunga na rin nito ay sinabihan ng pamahalaan ang Department of Agriculture (DA) upang siguruhing maayos ang ating pang-export na saging para sa susunod na mga transaksiyon.