Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Cover Focus

Raffy Tulfo: Ang Idol ng mga Pilipino

Photo credit: TV5 and Raffy Tulfo In action (facebook page)

Sa buong Pilipinas at sa buong mundo lalo na sa lugar ng mga OFWs, kapag itinanong mo kung sino ang IDOL ng mga Pilipino, iisa lang ang pangalang kanilang sasabihin, si IDOL Raffy Tulfo!

Ang apelyidong Tulfo ay hindi na bago sa larangan ng public service. Sampu silang magkakapatid (7 lalake at 3 babae) na solong itinaguyod ng kanilang inang si Caridad Tulfo nang yumao ang kanilang amang si Ramon Tulfo Sr.

Bukod kay Idol Raffy at nariyan din sina Ramon, Erwin, Ben na kilala rin sa kani-kanilang public service radio programs.

Sa kasalukuyan, sikat na sikat si Raffy Tulfo dahil sa kanyang matapang na pakikipaglaban para sa mga naaapi. Mga Pinoy hindi lamang sa ating bansa kundi tagapagtanggol din siya ng milyun-milyong OFWs sa buong mundo.

Si Raffy Tulfo, katulad ng kanyang mga kapatid, ay isang hard-hitting at straight talking broadcast journalist na napapanood at laging inaabangan sa TV5 at sa OnePH via Cignal TV at SatLite sa pamamagitan ng kanyang programang Idol In Action na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes ( 10:30 AM).

Idol in Action, na nag-debut sa TV5 and on One PH noong June 8, 2020, ay isang daytime public service program nagbabahagi ng istorya nakaka-relate sa masa. Sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang government agencies kay Raffy Tulfo ay nabibigyang solusyon ang mga problemang inilalapit sa kanya. Ang kakaibang format ng show ay balanse dahil bukod sa pagbibigay ng public service ay may mga segments din na nagbibigay saya sa mga manonood.

Sa “Tulong ni Idol” segment, ito ay naga-assist sa mga manonood at tagapakinig upang isulat ang kanilang hinaing at paghingi ng tulong at during the show ay may pipiliin si Idol Raffy kung sino ang kanyang tatawagan at ang maswerteng matatawagan ay makakatanggap ng mula sa Php5,000 hanggang Php50,000. Ang mga videoclips ng show ay napapanood rin sa Raffy’s Facebook Group para mabigyan naman ng pagkakataon ang mga taong nais tumulong sa mga less fortunate na kababayan natin sa Pilipinas.

Kasama ni Idol Raffy sa kanyang show upang magbigay aliw din ay ang kanyang Liga ng mga Taga-Serbisyo Publiko. Sina MJ Marfori at Tiyang Marga Vargas ay co-hosts ni Idol Raffy, parehong kilalang tv hosts at journalists na kilala na rin sa industriya ng mahabang panahon. Si Marga ang nagha-handle ng “Taray Nyo Teh, Tikas Nyo Tol” segment kung saan tumutulong siya sa mga issues ukol sa relationships, pagmu-move on mula sa isang mapait na relationship at gustong mag-umpisang muli. Si MJ naman ang nagbabalita ukol sa latest celebrity news sa pamamagitan ng kanyang segment na “Hola!” at ang “MJ’s Timbangan” kung saan ipinapakita ang mga opinyon at reaksyon ng mga manonood sa bawat isyu na tinatalakay ni Idol Raffy. Dito makikita ang pulso ng bayan kung kanino sila papabor.

Kasama rin sa Liga ng mga Taga-Serbisyo Publiko ang segment hosts na sina Maricel Tulfo, ang kanyang anak na pinangungunahanang segment na “Sinimulan Mo, Tatapusin Ko!” kung saan makikita ang konklusyon ng mga kasong inilalapit sa show. Si Kapitana Carol Domingo naman ang may segment na “I-tag mo, Pasisikatin ko!”, tumutulong sa mga taong nagpo-post sa social media ng kanilang hinaing at itina-tag kay Idol Raffy. Ang segment na “Hani ng Bayan”, na ang host ay si Hannibal Talete, off-site show correspondent na naglalakap at nagtitibang ng iba’t ibang opinyon ng Pinoy tungkol sa ilang topics na tinalakay sa show. At si Roda Magnaye na parte ng segment na “Itimbre Mo Kay Idol!” kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga ordinaryong manonood upang i-voice out ang kanilang concerns kay Idol Raffy on air.

Ang show na umani ng masugid na manonood ay napapanood din via streaming sa You Tube para sa mga Pinoy OFWs kung saan ang kanyang mga tagahanga ay lumawak at naging global phenomenon dahil sa radio program niya sa hapon ang Wanted sa Radyo. Sa kasalukuyan ay may 17.1 million na subscribers sa YouTube channel Ang kanyang programang Wanted sa Radyo Raffy Tulfo In Action, at 12 million followers naman sa Facebook at patuloy pa ring tumataas ang nagpa-follow kay Idol Raffy sa social media.

Si Idol Raffy na host ng Idol In Action, umukit ng sarili niyang pwesto sa puso ng masa dahil sa kanyang matatag na paninindigan, matapang na pakikipaglaban para sa masa ay 20 taon na sa public service at Philippine broadcasting.

Ang mabilis na aksyon sa mga pagtulong kung kaya’t dinumog siya ng mga taong nanghihingi ng tulong. estilo niya ng pagtulong ay hindi matagal kundi aksyon agad.

Ang kanyang no-holds-barred persona ay malaking naitutulong upang magkaroon ng magandang resulta at resolusyon ang kung anumang inilalapit ng mga nagrereklamo na nakararanas ng social injustice laban sa mga taong nanga-api, pulitika, kapulisan, barangay, kapitbahay, away-pamilya at iba pa.

Si Raffy Tulfo na itinuturing “Hari ng Public Service” ng ating henerasyon. Matapang, matikas at may pusong mapagbigay. Hindi ka niya iiwan sa ere, kapag inumpisahan ka niyang tulungan ay all the way hanggang magkaroon ng resolusyon ang iyong problemang inilapait sa kanya.

Sa pagtulong sa mga mahihirap at naapi ay hindi matatawaran ang pamilya ni Raffy Tulfo sa mga kapuspalad at naaapi. Bukod kay Raffy, ang kanyang maybahay na si Congresswoman Jocelyn Tulfo, ang kanyang mga anak na sina Maricel Tulfo-Tungol at mister na si Atty. Gareth Tungol , at si Ralph ay nagtu-tulung-tulong upang makapagbigay ng tulong sa mga tao.

Marami ang umaasa at nagdarasal na magpatuloy ang programa ni Idol Raffy dahil ito ang kanilang “savior” at sagot sa kanilang mga hinaing,

Mabuhay ka, Idol Raffy!