Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Community Watch

RADYO PARA SA MGA PINOY: Mapapakinggan na sa buong mundo

Ang istasyon para sa mga kabayan abroad.

Madalas na daing ng ating mga kababayang OFW (Overseas Filipino Workers) ang pagka “homesick”. Kalimitan ay nag hahanap sila ng paraan upang maibsan ang lungkot na malayo sa pamilya; dahil dyan nabuo ang PINOY RADIO ONLINE.

Ang PRO o Pinoy Radio Online ay isang taon ng nag bibigay aliw at saya sa mg kababayan nating OFW  at ito ay maririnig kahit saang dako man ng mundo. Binuo ito ng mga pinoy na malayo din sa kanilang mga pamilya at taos puso nilang ibinibigay ang kanilang oras at panahon upang maibsan ang lungkot ng ating mga kababayang sa labas ng bansa. Hindi lang mga OFW ang nabibigyan ng tulong ng PRO; pati na rin ang ating mga Pinoy Independent o Indie Artist. Alam natin na sagana sa talento ang mga Pilipino. Kaya nais ng PRO na marinig sa buong mundo ang mga orihinal na musikang nilikha nila dahil panahon na upang marinig at makilala ang gawa ng mga talentadong Pinoy.

Tiyak naman na mas maaaliw na tayong mga pinoy tuwing gagamit ng internet dahil bukod sa kanilang website na www.pinoyradioonline.com, ay maririnig din ang PRO sa Facebook. Puwede din makinig gamit ang mobilephones. Kung may mga kanta ka naman na gusto mong marinig o mga pabati para sa iyong mga mahal sa buhay madali lang ito ipaalam sa mga mababait at magagaling nilang DJs. Maari mo silang i-mensahe sa kanilang facebook account (www.facebook.com/pinoyradioonline) o kaya ay sa kanilang skype account (dj.pinoyradioonline). Maari mo rin sila iText PRO<space>message at isend lang sa 2299. O kaya naman sa email nila na dj.pinoyradioonline@yahoo.com.

Sadyang malikhain at matulungin tayong mga Pinoy at isa yan sa mga katangian na dapat natin ipagmalaki. Kaakibat natin ang Pinoy Radio Online saan man tayo naroroon. Dahil ikaw ay Pinoy, apPROved kayo dito.

Comments are closed.