Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Prison education pushed

Nagpahayag ng isang proposal si Quezon City Rep. Winnie Castelo sa pamahalaan na magbibigay ng educational program para sa mga preso ( inmates).  Siya ay naniniwalang kapag ang mga ito na nasa loob ng bilangguan ay mabigyan ng edukasyon habang pinagsisilbihan ang kanilang sentensiya ay magiging mabuting mamamayan pag labas nila sa kulungan.

Nag-file si Rep. Castelo ng Resolusyon na humihimok sa Department of Education (DepEd) na magkaroon ng curriculum para sa mga bilanggo na interesadong ipagpatuloy ang kanilang edukasyon habang nasa loob ng kulungan.
Ayon sa kanya, 12,000 bilanggo ng National Bilibid Prison ang hindi nakapagtapos ng elementarya kung kaya’t ang layon ng kanyang resolusyon ay mabigyan ng panibagong pag-asa ang mga ito na makapamuhay ng maayos pag labas ng piitan.