Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

News

Presidente Duterte, pwedeng isama sa senator slate ng PDP-Laban

Nagpahayag si Energy Secretary Alfonso Cusi na handing magbigay ng kanilang slate sa pagka-senador ang mga senatorial bet ng PDP-Laban kung sakaling si Pangulong Rodrigo Duterte ay maisipan na tumakbong senador sa darating na halalang 2022.

Ayon pa kay Cusi na ang issue na ito ay napag-usapan na nila sa kanilang partido at siguradong isa sa kanila ay handing mag-sakripisyo at mag-give way kung talagang tatakbo ang Pangulo.

Nagbiro pa si Cusi na kapag nalaman nilang tatakbo ang Pangulo ay baka mag-unahan pa sila sa pagbibigay daan para lang makatakbo si Digong.

Subalit, ito ay usap-usapan pa lamang at wala pang kasiguraduhan.

Kabilang sa senatorial bet ng PDP ay sina Atty. Salvador Panelo, ang actor na si Robin Padilla, Silvestre Bello Jr. (kapatid ni DOLE secretary), ang broadcaster na si Rey Langit, at ex-DPWH Sec. Mark Villar.

Matatandaang unang ninomina ng partido si Duterte na tumakbong bise presidente ngunit umatras ito dahil magreretiro na umano sa pulitika.