Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Starscope

Prediction in 2020 “Year of the Metal Rat”

Ang Daga ay isang napaka talinong hayop. Sila ang nanguna ng magpatawag ng pagpupulong si Emperor Hades. Maraming naniniwala na sila ay masuwerte sa negosyo at marami rin sa China na nagdadasal sa kanila upang magkaroon ng maraming anak. Sa Taong 2020 Metal Rat, sumisimbolo ito sa Emperor na may dalang kapangyarihan. Matibay at napakatatag ng taong 2020 kaya’t madaling makamit ang simula sa bungad pa lang ng taon. Sa lovelife, lalaki ang miyembro ng pamilya at maraming mag-aasawa sa taong ito. Sa kalusugan, athletic ang taon kaya makakaasa na may dalang enerhiya ang taong ito para maging malusog ang bawat isa. Panatilihin lamang ang pagiging malinis sa tahanan at sa sarili lalo na sa mga pagkaing madaling kapitan ng mikrobyo.

Mga ipinanganak sa taon ng Daga: 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020
Suwerteng Kulay: Blue, Gray at White
Suwerteng Direksyon: Hilagang Silangan (Northeast) at Timog Silangan (Southeast)
Suwerteng Numero: 1, 4 at 5

OX: 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009

Magiging malaking hamon para sa Baka ang dalang suwerte ng taong ito. Kaya’t magandang magkaroon ng panibagong simulain lalo na sa larangan ng trabaho, kursong gustong kuhain at iba pang plano sa sarili. Magiging isang harmonious ang taon para sa baka dahil mapapabilis din para sa kanya ang mga naantalang plano at hindi madesisyonang sitwasyon.

Suwerteng Kulay: Green, Blue at White
Suwerteng Direksyon: Timog Silangan (Southeast) at Kanluran (West)

TIGER: 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010

Umaapoy ang biyaya at kasaganaan para sa tigre. Maipagpapatuloy niya ang magandang nasimulan sa nakaraang tao. Magandang magkaroon ng timetable or schedule planned. Papayagpag ang kanyang pagkasikat sa anu-ano mang aspetong tatahakin. Mag-ingat lamang sa pakikisalamuha sa iba’t ibang taong makakaharap.

Suwerteng Kulay: Red, Fuchsia Pink at Green
Suwerteng Direksyon: Kanluran (West) at Timog Kanluran (Southwest)

RABBIT: 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011

Magkakaroon ng pag-aalala sa mga gawain na magdudulot sa kanya ng maraming stress at problema. Magandang maging flexible sa pakikitungo sa kasalukuyang sitwasyon. Dahil may taglay na siyang nangingilala muna bago makisalamuha kaya’t mailap siya sa ano mang bagay o tao na makakaharap o maeencounter. Para hindi maging sagabal para sayo ang lahat, stay focus at wag kakalimutang ngumiti sa mga kasamahan.

Suwerteng Kulay: Blue, Pink at Yellow
Suwerteng Direksyon: Hilaga (East), Timog Hilaga (Southeast) at Timog (South)

DRAGON: 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012

Maganda ang hatid sa dragon ng taong ito. Magandang alisin ang ugaling too much emotional at pagmumukmok. Magagamit ng dragon ang kanyang itinatagong potential. Dudumugin siya ng tambak na offer na makakatulong sa kanya upang maitaas angcareer at mga plano sa hinaharap. Magiging masaya ang hatid ng taong ito sa ano mang bagay na pagdedesisyonan. Iwasan lamang ang palipat lipat ng trabaho at pagiging choosy.

Suwerteng Kulay: Gold, Red at Silver
Suwerteng Direksyon: Hilagang Kanluran (Northwest) at Kanluran (West)

SNAKE: 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013

Bagama’t naging mabigat ang lahat sa taong ahas nitong nakaraang taon. Nangangako naman ang taong 2020 na makakabawi siya kung pag-iigihin ang kanyang sitwasyon. Ang promotion sa trabaho, pangingibang bansa at paghahanap ng malilipatan at panibagong mapapasukan ay hindi mailap sa taong ito. Maganda ring kumuha ng iba’t ibang kurso kung may panahon at oras dahil sa taong ito magaganap at matatagpuan ang nais mo sa iyong buhay. Huwag isip ng isip, gawin mo at siguradong iyong makakamtan ang talagang nais mo sayong hinaharap.

Suwerteng Kulay: Bright Blue at Pink
Suwerteng Direksyon: Kanluran (North) at Hilagang Silangan (Northeast)

HORSE: 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, 2014

Isa sa pinaka aktibong hayop sa 12 signo ng tsino ay ang kabayo. May taglay silang lakas at aktibo sa lahat ng gawain. Subalit sa darating na taon, kailangan nilang makapagrelax at makapag-ipon ng maraming lakas upang hindi maging mahirap ang maging sitwasyon na darating. Hindi ganoon kabiyaya ang taon para sa kabayo, subalit may mga sorpresa naman na darating sa kanila na hindi inaasahan sa kalagitnaan ng taon.

Suwerteng Kulay: White at Gray
Suwerteng Direksyon: Timog Kanluran (Southwest), Hilagang Kanluran (Northwest) at Hilagang Silangan (Northeast)

GOAT: 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, 2015

Panibagong suwerte ang paparating sa taong ito lalo na sa darating na buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre. Ugaliin na pag may naisip ay magandang gawin mo agad ito. Magandang ipagpatuloy rin ang masayang pakikisalamuha sa kapwa na nakamihasaan dahil ito ay lalong magpapatingkad sa iyong pagkatao.

Suweteng Kulay: Gray, Red at Green
Suwerteng Direksyon: Timog (South), Silangan (East) at Timog Silangan (Southeast)

MONKEY: 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016

Dahil sa ikaw ang isa sa pinakamalapit na allies sa taong daga, maraming magagandang pagbabago ang mangyayari sa iyong pang-araw araw na pamumuhay. Kaya’t maging masikap, masinop, maagap at higit sa lahat maging masipag. May kapalaran din sa panginginabang bansa.

Suwerteng Kulay: Yellow, Red at Fuchsia Pink
Suwerteng Direksyon: Hilaga (North), Hilagang Kanluran (Northwest) at Kanluran (West)

ROOSTER: 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017

Upang makamit ang malaking pagpapala sa taong ito, magandang unahin ang komunikasyon sa pamilya, sa malalapit na kaibigan at sa mga taong kasama sa gawain. Isa itong magandang simulain na magbibigay suwerte sayo sa taong ito. Lawakan ang pang-unawa at maging positibo sa lahat ng gawain.

Suwerteng Kulay: Pink at Blue
Suwerteng Direksyon: Timog Silangan (Southeast) at Silangan (South)

DOG: 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018

Para sa taon ng aso, ito na ang iyong pinaka hihintay na taon para sa lahat ng aspeto ng buhay. Walang bagay na hindi maaayos at mapagtatagumpayan sa taong ito. Magiging masagana ang taong darating. Magandang magpalago ng negosyo, makisalamuha sa iba’t ibang tao at kumuha ng ibang kurso.

Suwerteng Kulay: Yellow at Gold
Suwerteng Direksyon: Kanluran (West), Timog Silangan (Southeast) at Silangan (East)

PIG: 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019

Slowly but surely na mabibiyaan sa taong ito. Matatamo nila ang maraming pagpapala ng taon. Iwasan lamang ang pagiging maramdamin at pagiging mahabagin sa sarili. Ipagpatuloy lamang ang mga gawain na may masayang damdamin at laging magpasalamat. Panatilihin din ang pagiging masipag at maagang paggising.

Suwerteng Kulay: Bright Red at Yellow
Suwerteng Direksyon: Timog Silangan (Southeast) at Hilagang Silangan (Northeast)

BY: MADAM AIRIES MYSTICAL
www.airies.jp / twitter.com/MadamAiries / instagram.com/madamairies