Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Pnoy at Binay, mataas ang rating

Pinangunahan nina Pangulong Aquino at Bise-Presidente Binay ang mataas na approval rating ng sambayanan sa kanilang pagsisilbi sa bayan. Ang naturang survey ay nagsasabing tumaas ng 11% ang approval rating ni Pnoy mula sa dating 67%, ngayo’y naging 78% na.

Samantala, mas mataas  naman ang rating ni Binay na umabot sa 85% dahil sumasang-ayon ang taumbayan sa kanyang pagganap sa trabaho.  Ang iba pang mga mataas na opisyal tulad nina Senate Presient Juan Ponce Enrile at si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ay umani rin ng mataas na approval rating mula sa mamamayan dahil sa magandang performance nila at mabuting pagtatrabaho.-(Abante)